Isinasaalang-alang ng pamahalaan ang pansamantalang pagluwag ng fuel standards bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis at banta sa suplay ng enerhiya.
Sa isang pahayan, sinabi ni Finance Secretary Frederick Go na pinag-aaralan na ang hakbang para mapalawak ang mapagkukunan ng langis at mapababa ang gastos sa gitna ng oil crisis.
Ang fuel standards ay mga patakaran ng gobyerno na nagtatakda kung anong klase at kalidad ng fuel ang pwedeng ibenta at gamitin sa bansa. Saklaw nito ang limitasyon sa sulfur content at iba pang specifications para matiyak ang kalidad ng gasolina at diesel at mabawasan ang polusyon.
Paliwanag ni Go, ang mahigpit na standards ang dahilan kung bakit limitado ang pinanggagalingan ng fuel imports ng bansa.
“By relaxing those product standards, we can access cheaper fuel and open up more sources,” ani Go.
Sa kasalukuyan, limitado ang supplier base ng Pilipinas sa mga bansang kayang sumunod sa mahigpit na fuel requirements tulad ng Korea, Japan, Singapore, at China.
Kung luluwagan ang patakaran, inaasahang dadami ang posibleng supplier at magiging mas competitive ang presyo ng langis.
Nire-review na ng Department of Energy ang panukala bilang bahagi ng hakbang para patatagin ang suplay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng global oil prices.
Kasabay nito, isinusulong din ng gobyerno ang iba pang hakbang tulad ng pagbili ng karagdagang langis para sa buffer stock ng bansa. /Bistado


