Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ebidensya vs VP Sara, ibibigay ng prosecution sa Ombudsman

Hindi pa tapos ang pananagutan ni Vice President Sara Duterte sa mga alegasyong ibinawi sa impeachment trial, ayon sa House prosecution na handang isumite sa Office of the Ombudsman ang lahat ng nakalap nitong ebidensiya.

Iginiit ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na hindi nasayang ang kanilang trabaho kahit binawi ang tatlo sa apat na impeachment charges laban sa Bise Presidente.

“Wala pong nasasayang sa nangyaring withdrawal of articles,” sabi ni Luistro sa isang panayam.

Noong October 13, tinanggap ng Senate Impeachment Court ang pagbawi sa Article I tungkol sa confidential funds, Article III sa bribery at Article IV sa grave threats.

Natira ang Article II na tumatalakay sa alleged unexplained wealth, Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) violations at prohibited business interests.

Ayon kay Luistro, maaari pa ring gamitin sa hiwalay na legal proceedings ang mga ebidensiyang iniharap sa mga binawing kaso.

Binanggit niya ang kasong grave threats sa Quezon City Regional Trial Court bilang halimbawa.

“Narinig din natin si Ombudsman Boying Remulla na gustong tingnan itong mga ebidensya ng prosecution,” ani Luistro. “And we welcome that pronouncement from the Ombudsman.”

“Kami po ay tatalima. As soon as ma-receive namin ang subpoena ng Ombudsman, ay amin pong isusumite lahat ng ebidensya ng prosecution kaugnay ng tatlong article,” dagdag niya.

Daragdag ang mga dokumentong ito sa mga nauna nang isinumite sa Ombudsman matapos ang imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong 19th Congress.

“Marami pa pong kaso ang dapat na pag-aralan,” diin ni Luistro.

Samantala, naghahanda na ang prosecution sa cross-examination ng mga testigo ng kampo ni Duterte sa pagbabalik ng impeachment trial sa November 9.

Nakatakda rin nitong isumite sa October 23 ang formal offer of evidence para sa Article II.

May 10 araw ang defense mula sa pagtanggap nito upang magsumite ng komento bago iharap ang sarili nitong ebidensiya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles