Opisyal ng na-unveil nitong October 20, ang magiging bagong bahay ni Kuya na matatagpuan sa Gina Lopez Building along Mother Ignacia Avenue, QC, halos malapit din sa dati nitong kinatatayuan.
Nagsama-sama ang mga matataas na ehekutibo ng parehong ABS-CBN at GMA 7 networks para pasinayaan ang naturang bagong tahanan ng mga magiging housemates sa panibagong collaboration ng dalawang networks at tatawagin silang PBB Collab 3.0 housemates.
Umabot ng 21 years ang bahay ni Kuya sa dati nitong lokasyon na naging pinaka-sikat na bahay sa bansa at nakapag-produce ng maraming mga celebrities na hanggang sa ngayon ay pinag-uusapan at aktibo pa.
Base sa deskripsyon ng bagong bahay ng PBB, “it features a refreshed modern bungalow-style or contemporary look with an asymmetrical skillion roof, decorated in signature red, blue, and yellow colors.”
Present sa unveiling ceremony ang mga big bosses ng GMA 7 na sina Atty. Annette Gozon-Valdez, Ms. Joy Marcelo of Sparkle, PBB hosts Robi Domingo at Alexa Ilacad, at ABS-CBN business unit head Marcus Vinuya at Ms. Cory Vidanes.
Ngayong October 24 magsisimula ang ikatlong beses na mag-collab ang GMA 7 at ABS-CBN at bukod kina Robi at Alexa, magsisilbing mga hosts ng show sina Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia, Melai Cantiveros, Enchong Dee, and new host Michael Sager.
Samantala, mixed ang reactions ng netizen sa bagong bahay ng PBB.
May mga nagsasabing nagmukha itong “lotto outlet” dahil sa mga kulay nito at disenyo.
May mga nang-ookray na naghihirap na daw ba ang dating mayamang bahay ni Kuya dahil halos mukha lang daw itong “apartment.”
Sa laki daw dati ng mga ipinangangalandakan nitong mga premyo, cash and house and lot and others, “anyare” na daw sa yabang ng PBB?
May mga nagsasabi namang kahit “pangit” na daw ang bagong PBB ay manonood pa rin sila at excited sa mga bagong housemates ni Kuya.


