May pinag-uusapang “teaser” ngayon ang GMA 7 hinggil sa dalawang upuan na magkaiba ang kulay na umanoý magiging hudyat ng pagbabalik ng “hari at reyna” sa telebisyon.
Ang isa ay kulay itim, habang kulay dilaw naman ang isa.
“The King and Queen are BacK” ang naka-post na teaser ad na mabilis namang pinag-usapan ng netizen lalo’t wala naman daw maituturing na mga hari at reyna ng talk show kundi sina Boy Abunda at Kris Aquino.
At dahil “highlighted” ang mga letrang ‘B’ at ‘K’ sa salitang “BacK”, lahat nga ay nag-conclude na sina Boy at Kris ito, bukod pa sa mga identified “colors” na bagay sa kanila.
Lagi daw naka-black si Kuya Boy, habang matagal ng associated ang kulay yellow kay Kris.
Marami ang naging excited sa magandang balitang ito ng GMA7 kahit pa-teaser pa lang ang lahat.
Aabangan natin iyan!


