Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DTI: Presyo ng kandila, hindi tataas sa Undas

Mananatiling stable ang presyo ng mga kandila sa kabila ng tumataas na demand habang papalapit ang Undas sa November 1 at 2, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Tiniyak ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque nitong Lunes, October 19, na wala pang naitatalang pagtaas sa presyo ng mga kandila at iba pang pangunahing bilihin.

“Wala tayong naging problema. Continuous pa rin ang pag-check ng DTI regarding sa mga kailangan sa Undas. Okay pa naman,” sabi ni Roque.

Ayon sa kalihim, patuloy na minomonitor ng DTI ang presyo at suplay ng basic necessities and prime commodities (BNPCs), kabilang ang bottled water na tumaas ang demand dahil sa El Niño.

Nangako rin umano ang mga manufacturer na panatilihing matatag ang presyo ng kanilang mga produkto.

“Last week, we went to a water facility. And again, they showed us there’s enough supply, and they assured us that there is no need to worry, no need to panic. They have enough supply,” ani Roque.

Ayon sa DTI, kayang gumawa ng binisitang pasilidad ng humigit-kumulang 65,000 bottled water kada oras.

May halos 200 manufacturing facilities din umano sa buong bansa ang kumpanya, bukod sa sarili nitong logistics network para sa distribusyon.

Nakatakda ring bumisita si Roque sa mga pagawaan ng sardinas at canned meat ngayong linggo upang tiyaking sapat ang suplay at matatag ang presyo ng mga pangunahing pagkain habang papalapit ang Undas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles