Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Phoenix, abante sa PBA Governors’ Cup playoffs

Tumugon ang Phoenix Super LPG sa second half upang talunin ang Meralco, 105-101, at masiguro ang puwesto sa playoffs ng PBA Season 50 Governors’ Cup nitong Biyernes sa Ynares Center Antipolo.

Matapos matambakan ng 10 puntos sa first half, nag-init ang Fuel Masters at umabante, 32-24, sa third quarter at di na nakahabol ang Bolts.

Sa ikalawang panalo laban sa Meralco sa elimination round, nakuha ng Phoenix ang ikalawang puwesto sa playoffs mula sa Group B.

Sa rekord na 5-3, sasama ang Phoenix sa Magnolia sa crossover quarterfinals.

Nag-uunahan pa ang Rain or Shine (4-3), Meralco (4-6), Ginebra (3-5) at Blackwater (3-5) para sa natitirang dalawang puwesto.

“There were not so pleasant words said and the team responded,” ayon kay Phoenix coach Charles Tiu.

“We challenged the team that this is not the team that we know. It’s basically about not being soft. We’re acting as if we would not get eliminated if we don’t get the win. That’s the challenge.”

Pinangunahan ni Ricci Rivero ang opensa sa pamamagitan ng halos triple-double na 26 puntos, siyam na rebound, pitong assist, tatlong steal at dalawang block.

Nahirapan sa umpisa ang import na si Marcellus Earlington, na pumalit kay BJ Johnson, matapos makapagtala ng anim na puntos lamang.

“I actually talked to him before the second half. I told him we’ll keep looking for you and help you to get going. We can’t do this on our own. Alam rin naman namin meron syang ilalabas,” ani Rivero.

Nagtapos si Earlington na may 20 puntos, 14 rebounds at limang assist.

“He took some time, but eventually he got going and helped us big time,” ani Tiu.

Nagdagdag si Kai Ballungay ng 17 puntos, si Ken Tuffin ng 16, si Gian Mamuyac ng 13, at si Tyler Tio ng 10.

“They’re older than us. We’re younger but we also have to look at the bright side of us being young. We have to run and take advantage of the possessions,” ani Rivero.

Umiskor si Jordan Varnado ng 36 puntos para sa Meralco, na nagtapos sa elimination round na may record na 4-6. Ito ang kanilang unang pagkatalo sa tatlong laro mula nang pumasok ang kanilang bagong import. Maghihintay na lamang sila upang malaman kung may pag-asa pa silang makapasok sa playoffs.

Sa unang laro, nanatiling walang talo si Cameron Clark, habang patuloy namang nag-ukit ng pangalan sa mga record book si Juan Gomez de Liano nang pangunahan nila ang Converge sa pagdurog sa Macau, 162-108.

Umiskor si Clark ng 32 puntos sa loob lamang ng tatlong quarter habang naging kauna-unahang rookie si Gomez de Liano na nakapagtala ng sunod na triple-double sa dalawang magkasunod na laro, matapos magtala ng 13 puntos, 11 rebounds, at 12 assists.

Nakamit ng FiberXers ang kanilang ikaapat na sunod na panalo at umangat sa rekord na 7-4 sa Group A.

Nasa ikatlong puwesto rin ang defending champion TNT at makakaharap ang Converge sa Linggo sa parehong venue upang pag-agawan ang nasabing puwesto.

“Very important game on Sunday kaya binigyan ho namin ng kumpiyansa lahat ng guys right now,” ani Converge coach Dennis Pineda.

“I think all of them were given time inside the court to give (them) confidence) and for them to play defense talaga. Iyon lang talaga focus (for tonight) namin po,” dagdag ni Pineda.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Converge sa apat na larong nilaro nila mula nang dumating si Clark bilang kapalit na import.

“I feel like it was a good game overall actually, like we picked it up defensively that led to a lot of easy buckets in transition,” ani Clark.

“We have a tough game coming on Sunday but we have to take it one game at a time, prepare for this one.,But we’re looking forward to competing and get another one.”

Tuluyan nang nagtapos ang kampanya ng Macau bilang guest team sa rekord na 2-10.

Bahagya lamang itong mas maganda kumpara sa kanilang 3-9 na rekord noong una silang sumali sa nakaraang Commissioner’s Cup.

The scores

First Game

CONVERGE 162 – Clark 32, Arana 16, Tungcab 15, Baltazar 14, Gomez de Liano 13, Clemente 13, Santos 11, Stockton 10, Abueva 9, Garcia 9, Concepcion 9, Muyang 6, Williams 3, Lepalam 0.

MACAU 108 – Lam 49, Lopez 27, Chao 13, Sun 10, Liu 7, Chen 2, Zhang 0, Lu 0, Zhu 0.

Quarters: 41-19; 79-52; 119-78; 162-108

Second Game

PHOENIX 105 – Rivero 26, Earlington 20, Ballungay 17, Tuffin 16, Mamuyac 13, Tio 10, Delos Santos 2, Escandor 1, Chua 0, Ando 0, Santos 0.

MERALCO 101 – Varnado 36, Cansino 18, Quinto 14, Brickman 10, Newsome 7, Hodge 6, Banchero 6, Bates 4, Mocon 0.

Quarters:  20-27; 42-52; 74-764 105-101

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles