Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

China envoy pinuna ng DFA sa ‘banta’ ng paggamit ng puwersa

Pinuna ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Chinese Ambassador Jing Quan matapos nitong sabihing madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa, na itinuring ng Pilipinas na tila patagong pagbabanta.

Sa panayam sa Quezon City nitong Huwebes, October 15, sinabi ni Jing na dapat ituring na masuwerte ng mga bansa sa rehiyon ang pagkakaroon ng China bilang kapitbahay dahil pinahahalagahan umano nito ang kapayapaan.

Iginiit din niyang kayang manalo ng Beijing kung gagamit ng puwersa, ngunit hindi umano nito gagawin iyon.

“It is regrettable that Chinese Ambassador Jing Quan today had a poor choice of words that would seem to convey a thinly veiled threat of the use of force, which is hardly helpful in the context of the complicated bilateral ties between the Philippines and China,” ayon sa DFA.

Binigyang-diin ng ahensya na kailangan ang pag-iingat at pagpipigil sa pananalita upang mapanatili ang maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga bansa.

“The business of diplomacy requires tact and restraint in order to create space necessary for discourse, dialogue, and engagement, regardless of the disparity in positions or perspectives,” dagdag nito.

Pinaalalahanan din ng DFA ang lahat ng diplomat sa Pilipinas na maging maingat sa public statements upang hindi masira ang tiwala at makompromiso ang diplomatikong pag-uusap.

Patuloy ang territorial dispute ng Pilipinas at China sa South China Sea, kabilang ang West Philippine Sea.

Noong September, kinundena ng Manila ang pagbangga ng Chinese Coast Guard vessel sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa karagatan ng Palawan na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles