Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PBBM pinapamadali unfinished investments sa Clark, deadline sa pagbubukas hinihingi

Pinapamadali ni President Ferdinand Marcos Jr. ang mga hindi pa tapos na investment projects sa Clark, Pampanga, at pinapaulat ang kani-kanilang target opening dates, para matiyak na hindi maaantala ang mga ipinangakong negosyo at trabaho.

Iniutos ito ng Pangulo sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Department of Trade and Industry (DTI) nitong Huwebes, October 15, sa inagurasyon ng bagong UPS International Air Hub sa Clark International Airport.

“Big investments like this, however, are often announced but slow to finish. But this is being changed. When an investor promises a project, it is our job to ensure it opens on schedule,” sabi ni Marcos.

“This one certainly did,” dagdag niya, na tumutukoy sa bagong pasilidad ng United Parcel Service (UPS).

Nagkakahalaga ng mahigit $80 milyon ang UPS hub na may lawak na 30,000 square meters, o 15 beses na mas malaki kaysa sa dati nitong pasilidad sa Clark.

Kaya nitong magproseso ng hanggang 15,000 packages kada oras at inaasahang hahawak ng average na 46,000 packages araw-araw.

Suportado rin nito ang 170 weekly flight segments papasok at palabas ng Clark, na magpapalakas sa koneksiyon sa Asia-Pacific, India, Europe at United States.

Posibleng mapaikli nang hanggang dalawang araw ang delivery time sa piling ruta sa China, Southeast Asia at India.

May automated sorting systems, temperature-controlled areas at radio-frequency identification (RFID) technology ang pasilidad para sa mga sensitibong kargamento gaya ng gamot at iba pang healthcare products.

Ayon kay Marcos, mahalaga ang ganitong investments para makalikha ng trabaho at negosyo sa labas ng Metro Manila.

Tinukoy rin niya ang DTI Supply Chain and Logistics Center at panukalang Subic-Clark-Manila-Batangas Railway para mapabilis ang pagdadala ng produkto sa mga pangunahing pantalan.

Sinabi ng Pangulo na umaabot sa 27 porsiyento ng sales ang logistics costs ng ilang negosyo dahil sa pagsisikip ng mga pantalan, kakulangan sa kalsada at cold-chain facilities.

Mahalaga aniya ang mas mabilis na transportasyon ng pagkain, gamot at iba pang pangunahing produkto, lalo na sa panahon ng kalamidad at banta ng matinding El Niño.

Hinimok din ni Marcos ang mga negosyo na patuloy na mamuhunan sa Pilipinas habang pinapahusay ng gobyerno ang logistics infrastructure at business environment. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles