Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kim Atienza, nailigtas ang buhay ng netizen

Pinag-uusapan ngayon ang positibong gesture ni kuya Kim Atienza sa social media na nagdulot upang maisalba ang buhay ng isang netizen.

Lumabas ngayong Wednesday, (March 18) ang socmed thread na pinupuri ang magandang nagawa ng kilalang TV host-influencer na si kuya Kim Atienza para sa isang netizen.

Ang naturang netizen ay tila naghahanap ng makakausap at nagtanong sa mga nakakabasa ng kanyang saloobin. Ayon sa isang post niya, “anyone na psychiatrist po? need ko po ng consultation kahit online. Pls?”

Sinagot naman ito ng batikang TV personality, “I DM’d you. Tight hug.”

Ayon pa post ng naturang netizen na kalauna’y napag-alaman na isang babae ay halos desidido na siyang tapusin na ang kanyang buhay dahil sa pinagdadaanang mga problema. 

Post nito, “I was about to end my life tonight. Just in time my phone beeped. And it was @kuyakim_atienza message (emojis). Sobrang thank you Kuya. Grabeee, naiiyak ako now (emojis).’

Sa huli’y humingi ng kapatawaran ang netizen sa kanyang pamilya, boyfriend at anak. Labis-labis din ang naging pasasalamat niya kay kuya Kim dahil sa nagawa nito sa kanya kahit sa pamamagitan lang ng online.

Puring-puri naman ng netizen sa socmed ang TV host-influencer na sa kanyang post naman ay nag-offer pa ng follow-up sa expert in the field at inako na ang 8 (walo) therapy session na pagdaraanan ng nagpasaklolong netizen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles