Ibang klase pa rin ang galawan ni concert queen Pops Fernandez nang halos gawin nitong disco party venue ang Music Museum last Tuesday, Oct. 13.
At 59, hindi dito mababakas ang edad lalo’t very young looking pa rin ito at taglay pa rin ang boses na minahal at hinangaan sa kanya ng marami lalo na noong 90’s kung kailan siya binansagan bilang concert queen ng pinoy showbiz.
Maliksi, very graceful at buo pa rin ang boses nito sa mga fast songs na kanya naman talagang tatak bilang isang concert artist.
Sa medley ng mga fast songs na kanyang ginawa ranging from Taylor Swift to Beyonce at ilan pang mahuhusay na dance-able tunes, napatayo at napasayaw niya ang live audience na dumayo sa concert.
Malakas ang naging sigawan, palakpakan, kembotan, hiyawan at saya ng mga taong nanood na halo ang mga gen Z, baby boomers at gen X at alpha gen crowd dahil ang main concert artist nga ay ang newbie na si Dylan Menor, being supported by the MVP group of companies such as PLDT, SMART, mWell, TV5, Meralco at marami pang iba.
Marami din tayong namataan na ilang matataas na ehekutibo ng mga naturang kumpanya partikular na ang big boss ng mga ito na si MVP o mas kilala bilang si Manny V.Pangilinan.
Actually isa nga lang si Pops sa mga major guest-artists ni Dylan that night pero nagawa nga nitong buhayin ng bongga ang gabi sa Music Museum sa halos fifteen minutes niyang exposure.


Equally great din ang ibang guests gaya ng mga beteranong sina Jed Madela at Sam Concepcion sa kanilang mga production numbers, pero kakaiba din ang hataw at ganda ng boses ni Jona, na gaya ni Pops ay very well-received sa kanyang ABBA medley production number.
Lahat sila ay nagbigay ng tip or advice kay Dylan na masuwerte ngang nabigyan ng pagkakataon na makapag-concert kasama ang ilan sa mga legit concert artists ng bansa.
Pinaalalahanan nina Pops, Jed, Sam at Jona na maging humble si Dylan at huwag na huwag nitong kakalimutan ang mga taong tumutulong sa kanya, kasama na ang maiingay niyang mga fans na sigaw ng sigaw at hiyaw ng hiyaw sa kada labas niya ng stage at bawat outfit na suot niya.
May promise naman si Dylan bilang isang concert artist. May boses at appeal siya on stage, pero gaya ng ibang mga nagsisimula sa industriya, he has so much to learn lalo na sa pag-interpret ng mga ballad and pop songs.
Well-supported siya ng kanyang mga kasamahan sa Vibe+ show sa TV5 gaya nina Ryle Santiago, Joao Constancia, Carmela Lorzano, Queenay at Ana Ramsey, na para nga ding mga naglalaro sa masaya nilang production number na regular na nating napapanood sa TV5 Saturday show nila.


