Nakatanggap ng malawakang online backlash ang Machong Chismisan podcast lalo na ang isa sa mga hosts nitong si Tito P ( o Patrioto) dahil sa iresponsable nitong remark tungkol kay Josh Aquino, anak ni Kris.
Sa isang bahagi ng diskusyon ng mga lalaking hosts na sina Tito P, Ingo Mar at Makoy Pare, pinag-usapan nila si Kris Aquino at mga anak nito at kung paano sila pinalaki ng aktres-host at magkano kaya ang kanilang baon sa school o naipong pera, among other items na pinag-tsismisan.

Ayon nga kay Tito P, “si Bimby sobrang okay na anak, si Josh walang kwenta eh. Nakaganun lang oh. Yung baon daw ni Josh ano araw-araw sa school 3000 a day. Tapos nakatunganga lang siya ng ganun.”
Dahil sa naturang pahayag o remark, mabilis na kumalat ang galit ng netizen at agad na nagpahayag ng disgusto sa show lalo na sa nagsalita at nagbigay ng ganung komento.
“Masyadong insensitive, derogatory, walang respeto lalo na sa isang tao na mayroong special need o kapansanan, ” reaksyon ng mga tao laban kay Tito P at mga kasama nitong sina Ingo Mar at Makoy Pare.
Marami ang sumuporta sa naturang mga komento at nag-kondena sa tatlo dahil kahit kailan daw ay hindi tama na gawing katatawanan ang disability ng isang tao lalo ang gamitin itong punchline para lang mag-elicit ng katatawanan at palabasing may humor.
Hindi pa nagsasalita o nagbibigay ng pahayag o reaksyon si Kris na kilala ng lahat bilang mapagmahal at mapag-arugang ina sa kanyang dalawang anak.
Kilala din si Kris na hindi basta na lang tatahimik o walang gagawin sa mga ganitong pangyayari lalo’t sobrang below the belt ang naturang remark.
Hinihikayat din ng netizen ang queen of all media na idemanda ng cyber libel ang mga hosts at show nila.
Samantala, may mga naghahanap din daw sa kung ano naman ang reaksyon ni Philip Salvador na sobrang maingay at laging nagsasalita tungkol sa mga puna nito sa socmed at pulitika, ngayong ang anak naman niya ang tila pinipintasan o pinagtatawanan sa socmed ngayon.


