Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Jolina Magdangal-Marvin Agustin, ang bagong Dolphy-Nida at Nova-Freddie ng TV; first pinoy sitcom na mag-premiere sa Netflix

Hindi nga din daw malaman nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin kung anong klaseng “magic” mayroon ang MarJo o tambalan nila kung bakit hanggang sa mga panahong ito ay may nakaka-appreciate pa din sa tandem nila.

Noong 90’s pa sumikat ng husto ang kanilang tandem dahil sa mga movie and TV projects na kanilang pinagsamahan at pawang tumatak ito sa mga manonood.

Kaya naman sa latest sitcom na sila ang nagbibida at sa lakas ng pagtanggap sa kanila ng madla, hindi rin naiwasan ng dalawa ang magtanong kung saan nga ba nanggagaling ang maganda nilang chemistry.

“Hindi talaga eh. Basta na lang lumalabas ng natural. Siguro yun yung magic. Yung pagkakaroon namin ng comfort sa isa’t-isa at sobrang tiwala na hindi kami maglalaglagan o magkakaroon ng matinding away o gusot. Madali din kasing makikita sa amin yun,” bahagi ng paliwanag ni Marvin.

Hirti pa nito, “at saka siguro talaga ay guwapong -guwapo siya sa akin. Iba siya kung tumingin na ewan eh at ako naman sobrang appreciative kaya ibinabalik ko sa kanya yung paghanga.”

Natatawa man ay sinagot ito ni Jolina, “marahil ay talagang may ganun po  di ba? Sabi nga ni direk (Roman Perez), parang nakuha namin din namin yung magandang kemistri ng mga sobrang minahal ng madla sa TV. Gaya nina Tito Dolphy at tita Nida Blanca, tita Nova Villa at tito Freddie Webb, mga ganun daw na kahit hindi naman sila nagkatuluyan o naging sila sa totoong buhay, naramdaman ng mga manonood o tagahanga nila yung genuine na suportahan at pagmamahal nila sa work at ginagawa nila.” 

Sa sitcom na “Mommy Guard”, muli ngang mapapanood ang masaya at kuweklang tambalan nina Marvin at Jolina sa isang kakaibang materyal na ayon sa direktor nitong si Roman Perez, “napapanahon, very pinoy and highly relatable.”

“Sabi ko nga, matagal ng panahon na wala na tayong napapanood sa TV na tandem na gaya ng mga iconic tandems nina Dolphy-Nida, Nova–Freddie, sa panahong ito, we have Marvin-Jolina. Para nga lang kaming naglalaro sa set dahil everybody is so collaborative. At yung mga sub-issues na tinatalakay ng sitcom, talagang very relatable bukod pa sa family-oriented,” paliwanag ni direk Roman.

Sasamahan ang MarJo ng mga batang artista mula sa StarWorx gaya nina Amo Wilding (gaganap na anak ni Jolens), Nathalie Apollo (anak naman ni Marvin), Celyn David at Patrick Ballesteros. Naririyan din sina Cedric Juan, Pearl Gonzales, Michelle Vito, Roxanne Guinoo at Dominic Ochoa at marami pang iba na pawang mga may tatak husay sa komedya.

Magsisimula ng mapanood ang “Mommy Guard” ngayong October 19 sa TV5 pero mauuna itong mag-premiere sa Netflix ngayong October 16.

Ito nga ang kauna-unahang pinoy sitcom na mag-premiere sa Netflix.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles