Posibleng tumaas ang singil sa kuryente ngayong October matapos umakyat ng 3.1 porsiyento ang average electricity price sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) noong September.
Ayon sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP), umabot sa P7.43 kada kilowatt-hour (kWh) ang nationwide average hanggang September 25, mula P7.21 noong August.
Sa Luzon, tumaas ng 5.7 porsiyento ang presyo sa P5.18 kada kWh, habang 5.2 porsiyento naman ang itinaas sa Visayas, na umabot sa P12.42.
Mindanao lamang ang nakapagtala ng pagbaba, na 1.4 porsiyento, sa P12.61 kada kWh.
Sa buong bansa, lumaki ng 1.8 porsiyento ang electricity demand sa 14,188 megawatts, habang tumaas ng 2.4 porsiyento ang available supply sa 20,209 megawatts.
Ayon sa IEMOP, nakaapekto sa presyo sa Luzon ang malalaking power plant outages, habang nagdagdag ng pressure sa Visayas ang system alerts at generation outages.
Nakatulong naman ang mas malakas na interconnection ng Visayas at Mindanao para mapaliit ang agwat ng presyo sa dalawang rehiyon.
Inaasahang makikita sa October billing ang epekto ng September WESM prices.
Gayunman, hindi awtomatikong 3.1 porsiyento ang itataas ng electric bills. Depende ito sa dami ng kuryenteng binibili ng distribution utilities at electric cooperatives mula sa spot market. /Bistado


