Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Nurses binalaan vs iligal na pagtitimpla, pagbebenta ng tirzepatide

Usong-uso ngayon ang itinuturok na gamot na tirzepatide dahil sa slimming effect nito. Pero ingat ha!

Mahigpit kasing tinututulan ng Philippine Association of Diabetes Care and Education Nurse Specialists, Inc. (PADCENS) ang hindi awtorisadong paghahanda, pagtitimpla, pagbebenta at pamamahagi ng tirzepatide at iba pang prescription medicines ng mga nurse na lumalampas sa kanilang ligal na tungkulin.

Sa official statement nitong October 9, binigyang-diin ng PADCENS na tanging mga kwalipikado at awtorisadong healthcare professionals lamang ang dapat humawak, maghanda, mag-dispense at magbigay ng injectable medicines gaya ng tirzepatide, alinsunod sa batas at professional standards.

Ang tirzepatide ay isang prescription medicine na ginagamit sa paggamot ng type 2 diabetes at, sa mga aprubadong indikasyon, sa weight management.

Pinaalalahanan ng grupo ang mga nurse na sundin ang Republic Act No. 9173 o Philippine Nursing Act of 2002, Republic Act No. 10918 o Philippine Pharmacy Act, at mga kaugnay na advisory ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon sa PADCENS, hindi awtomatikong nagbibigay ng awtoridad ang pagiging nurse, diabetes educator o healthcare professional para mag-compound o mag-dispense ng prescription medicines.

Dapat ding tiyaking nagmumula sa legal at awtorisadong channels ang mga gamot at maayos ang paghahanda, pag-iimbak at pamamahagi ng mga ito.

Iginiit ng organisasyon na kailangang unahin ang kaligtasan ng pasyente kaysa sa komersiyal o personal na pakinabang.

“Patient safety and welfare must always take precedence over commercial interests or personal gain,” ayon sa pahayag na nilagdaan ni PADCENS National President Dr. Neil S. Ayala sa ngalan ng Board of Trustees.

Nanawagan din ang grupo sa mga nurse at diabetes care professionals na manatili sa saklaw ng kanilang legal na awtoridad, pagsasanay at responsibilidad sa kanilang institusyon.

Hindi naman nagbanggit ang PADCENS ng partikular na nurse, klinika o establisimyentong sangkot sa umano’y hindi awtorisadong gawain. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles