Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Aguda resignation tinanggap na ni Marcos; Dizon hindi ililipat sa DOTr

Kinumpirma ni President Ferdinand Marcos Jr. na tinanggap na niya ang pagbibitiw ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda, habang nilinaw na walang planong ilipat sa ngayon si Public Works Secretary Vince Dizon.

Sa press conference sa Singapore nitong Linggo, October 11, sinabi ni Marcos na hindi muna inanunsiyo ng Malacañang ang pag-alis ni Aguda dahil hinihintay pang mapangalanan ang kanyang kapalit.

“We were holding it back until we were able to announce also his replacement. But the Ombudsman already spilled the beans before we were able to,” sabi ng Pangulo.

Naunang ibinunyag ng Office of the Ombudsman ang pagbibitiw ni Aguda sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y ghost connectivity projects.

Ayon kay Marcos, magkaibang paraan nakatanggap ng impormasyon ang Palasyo at Ombudsman kaya hindi nagkatugma ang panahon ng paglalabas ng anunsiyo.

“So the timing was not coordinated,” aniya.

Wala pang pinangalanang kapalit ni Aguda sa DICT.

Samantala, pinabulaanan ni Marcos ang ispekulasyong ibabalik si Dizon sa Department of Transportation (DOTr).

“As we sit here together today, no, he’s not moving,” diin ng Pangulo.

Samantala, hindi naman kinumpirma ng Pangulo ang anumang pinal na appointment o ang buong detalye ng posibleng Cabinet reshuffle.

Sinabi niyang aayusin ang mga kinakailangang hakbang matapos ang kanyang biyahe sa ibang bansa.

“It’s really just a question of formalizing everything,” ani Marcos. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles