Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BISTONG KAPALARAN – October 12

♈ ARIES (March 21–April 20) – Ang husay mong mag-read between the lines ang magbibigay sa iyo ng strong start ngayong linggo. Kapag may hindi tama sa pakiramdam, alam mo kung kikilos o lalayo. Makabubukas din ng isip ang financial advice tungkol sa investments o pension.

♉ TAURUS (April 21–May 21) – Independence ang theme mo ngayon, kaya huwag hintayin ang encouragement ng iba. Lalakas ang confidence kapag may bago kang natutuhan. Sa love life, harapin ang usapang matagal ninyong iniiwasan o ikaw na mismo ang mag-aya ng date.

♊ GEMINI (May 22–June 21) – Hindi mo gusto ang mabagal na progress, pero mas okay ngayon ang cruise control kaysa full speed. Huwag akuin ang lahat ng problema. Isang family meal na walang cellphone sa mesa ang magbabalik ng maayos na communication sa bahay.

♋ CANCER (June 22–July 22) – Huwag hayaang madaliin o pilitin ka ng iba. Problema nila ang impatience nila, hindi sa iyo. Sa pag-ibig, lalalim ang connection kapag naging honest ka tungkol sa fears at hopes mo. Kung single, magnetic ang bagong attraction.

♌ LEO (July 23–August 23) – Hindi agad malinaw ang sitwasyon dahil may mga taong may itinatago. Magbigay ng sincere na compliment dahil maaari itong magsimula ng cycle of good vibes. Kung single, huwag agad i-dismiss ang bagong admirer—baka unti-unti mo siyang magustuhan.

♍ VIRGO (August 24–September 22) – Magandang simula ito ng linggo para sa problem-solving. Kumilos sa halip na umasang kusang mawawala ang issue. Malakas din ang instinct mo sa kung ano ang kailangan ng partner o pamilya. Kung single, baka biglang gumawa ng paraan ang tadhana.

♎ LIBRA (September 23–October 23) – Stop fighting the inevitable. Kung wala ka namang ibang option, ituon ang energy sa mga bagay na kaya mong kontrolin. Maraming lalapit sa iyo para sa support dahil kaya mong pagsamahin ang fairness at malinaw na insight.

♏ SCORPIO (October 24–November 22) – Masusunod mo ang sariling paraan at lalabas ang special talents mo. Maririnig mo rin ang hindi direktang sinasabi ng mga anak o mas batang kasama. Sa practical side, mag-meal plan para hindi araw-araw problemahin kung ano ang kakainin.

♐ SAGITTARIUS (November 23–December 21) – Mahirap kapag may nangyari sa nakaraan na patuloy kang hinihila pabalik. May regrets ang lahat, pero hindi iyon ang kabuuan ng pagkatao mo. Tratuhin ang second chance na parang fresh start at magplano ng mga bagay na mae-excite kang hintayin.

♑ CAPRICORN (December 22–January 20) – Magaling kang manatili sa track, pero kilalanin kapag dead end na ang isang idea o tao. Huwag nang mag-aksaya ng magandang energy sa walang patutunguhan. Magtanong, lumipat sa Plan B at tanggapin ang social invite kung single.

♒ AQUARIUS (January 21–February 18) – Lagi kang may mas bago at mas mahusay na paraan kahit bihira kang pasalamatan. Hayaan munang magsalita ang results. Sa love life, ipakita ang affection sa sarili mong paraan kahit hindi ka naturally touchy-feely.

♓ PISCES (February 19–March 20) – Minsan mas mabuting tanggapin na may bagay talagang hindi magbabago. Huwag ubusin ang sarili sa pagpapatunay ng kabaligtaran. Maglaan ng 30 minutes araw-araw sa isang pangarap dahil maaaring makita ang magandang resulta sa susunod na buwan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles