Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Water rationing, inihahanda sa Benguet dahil sa banta ng matinding El Niño

Pinaghahandaan na ng La Trinidad Water District (LTWD) ang posibleng water rationing sa La Trinidad, Benguet dahil sa banta ng matinding El Niño mula November hanggang unang bahagi ng 2027.

Ayon kay LTWD General Manager Engr. Oliver Taule, binubuo na ang rotational water distribution schedule para matiyak ang patas na suplay sa mga kabahayan sakaling lumala ang tagtuyot.

Posibleng isailalim sa rationing maging ang mga lugar na kasalukuyang may 24-hour water supply para maibahagi ang tubig sa ibang komunidad.

Kasama rin sa paghahanda ang pagkukumpuni ng mga tumatagas na tubo at paglalagay ng dalawang water delivery trucks sa standby para sa mga lugar na hindi maaabot ng regular na distribusyon.

Gumagawa rin ang LTWD ng karagdagang water sources na inaasahang magagamit pagsapit ng January o February 2027.

Hinimok naman ni Taule ang mga residente na magtipid sa tubig, agad ayusin ang mga tagas sa tubo at maghanda ng sariling tangke o drum para sa pag-iimbak.

Layunin ng mga hakbang na mapanatili ang suplay ng tubig sa La Trinidad habang pinaghahandaan ang posibleng matagal na tagtuyot. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles