Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Baguio naghigpit vs littering; P1K multa sa mga pasaway

Hinigpitan ng Baguio City government ang kampanya laban sa littering, partikular sa Burnham Park, sa pamamagitan ng mas mahigpit na monitoring at paglalagay ng mga park ranger na nakasibilyan.

Sa ilalim ng Anti-Littering Ordinance ng lungsod, maaaring pagmultahin ng P1,000 o paglingkurin ng 12 oras na community service ang mga mahuhuling lumabag sa unang pagkakataon.

Pinaiigting ang pagpapatupad ng Ordinance No. 54, Series of 1988, na inamyendahan ng Ordinance No. 59, Series of 2020, para mapanatiling malinis ang mga pampublikong lugar at maprotektahan ang kalusugan ng mga residente at turista.

Nagtutulungan sa pagpapatupad nito ang Public Order and Safety Division (POSD), Baguio City Police Office (BCPO), City Environment and Parks Management Office (CEPMO) at mga awtorisadong barangay officials.

Nag-deploy ang CEPMO ng mga park ranger na nakasibilyan para bantayan ang Burnham Park at hulihin ang mga nagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.

Nanawagan din ang mga bumibisita sa Burnham Park na itapon ang basura sa tamang lalagyan, lalo na sa mga lugar na madalas pagtambayan ng mga tao. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles