Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Donny at  Anthony Pangilinan, pinuri sa pa-discount sa gas

Sanhi nga ng krisis sa gas na dinaranas ng halos buong mundo nang dahil sa giyera sa Middle East, nagkaroon ng ideya ang kilalang aktor na si Donny Pangilinan kung paanong makakatulong kahit sa maliit na paraan.

Ipinagmalaki ng ama ni Donny na si Anthony Pangilinan, isang kilalang “motivational speaker,” na iminungkahi ng anak na si Donny kung posibleng mabigyan ng discount ang mga motorista na nagpapa-gas sa kanilang pagmamay-ari na gas station.

“At first I thought that it might be impossible considering the on-going crisis we have right now. But something in me as a father and a consumer gave the idea a thorough thought and upon consulting with the rest of our family, we gave it a go. Why not?,” paliwanag ng tatay ng young actor.

Mabilis na kumalat sa social media ang magandang gesture ng mag-ama at agaran ding na-enjoy ng mga motorista na nagpapa-gas sa family-operated Shell fuel station nila sa South Forbes ang diskwentong PhP 3 per liter simula ngayong March 17. 

Sa kaugnay na post na ginawa ni Anthony sa kanyang Facebook account tinuran nitong, “our partner (yes, my son!) suggested a move that didn’t make sense ‘numbers wise’ but was 100% in sync with our mission: support those who need it most in the community. Let’s all do what we can, while we can, for as long as we are able.”

Pulos papuri ang nakuhang reaksyon sa naturang post at habang sinusulat natin ito, napag-alaman ng BISTADO na ‘well-received’ ang naturang gesture ng mag-ama at may ilan na ding napaulat na balita na may mga family-owned gas station sa ilang lugar na tila naantig din at nagbabalak sumunod sa “kind and humane act” ng Pangilinan family.

“There is still hope for humanity. Dapat talaga na sa mga panahong ganito ay nagtutulungan tayong lahat kahit sa maliit na paraan man lang. Huwag munang masyadong mag-isip ng “kita” (profit) dahil soon, babalik din naman sa ayos ang lahat, in God’s time. ‘Sanaol’ (sana all) may pa-discount sa oil. Paging those big oil companies out there,” pagdarasal pa ng netizen.

****ends here***ends

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles