Bukod sa Barangay Ginebra at defending champion TNT, nagpasya na rin ang Phoenix at guest team Macau na magpalit ng import para palakasin ang kampanya sa PBA Season 50 Governors’ Cup.
Ipaparada ng Fuel Masters (4-3) si Marcellus St. Claire Earlington bilang kapalit ni BJ Johnson, habang kinuha naman ng Giant Pandas (2-6) si Oscar Lopez na kapalit ni De’Vondre Perry.
Si Lopez ay kilala bilang isa sa limang naturalized players na isinabak ng Cambodia noong 2023 Southeast Asian Games. Sasabak agad sya sa league leader na NLEX (7-2) ngayong Miyerkules.
Sa Oktubre 16 pa masusubukan si Earlington kontra Meralco Bolts (3-5).
Ang iba pang bagong muka sa season-ending conference ay sina Jordan Murphy, Deonte Burton at Nicholas Hornsby.
Papalitan ni Murphy si Riley Grigsby sa Barangay Ginebra (2-4), hahalili naman si Burton sa injured na si Dequan Jones sa NLEX, habang sasabak si Hornsby para sa TNT (4-4) bilang kapalit ni Rahlir Hollis-Jefferson.
Sina Burton at Hornsby ay agad na sasabak ngayong araw sa pagpapatuloy ng eliminations sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila matapos ang mahigit isang buwang pahinga upang bigyang-daan ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup qualifiers at sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan.
Nakasama na ng 6-4 na si Burton si coach Jimmy Alapag sa Sacramento Kings sa National Basketball Association (NBA) at sa Stockton Kings sa G-League.
“As great of a basketball player as DB is, I think he’s just as good of a person. I think he’ll give us a great chance in the second half of the conference,” ani Alapag, na naging assistant coach sa Sacramento at Stockton.
“Obviously, having someone like DB who has NBA experience and the fact that we spent time together both in the G League and the NBA, I have a lot of confidence in how he’ll help our team.”
Samantala, maglalaro naman si Murphy sa unang pagkakataon para sa Kings sa Biyernes laban sa Rain Or Shine Elasto Painters (4-2).


