Showing na ngayong October 7, Wednesday ang “MANTSA” ang psycho suspense-thriller movie na prinodyus ng Dragon Entertainment ng kilalang showbiz beauty guru Bambbi Fuentes, kasama sina Tine Areola at Ric Valenzuela.
Pinagbibidahan ito ng veteran award-winning actress Pilar Pilapil bilang Lola Pacita na mayroong “lihim”na itinatago sa kuwento, kasama din ang mga acting greats na sina Snooky Serna at Gelli de Belen, with special participation pa si Janice de Belen.
Kuwento ito ng magkapatid na Paeng ( Khai Flores) at Regina (Shira Tweg), na nagbakasyon sa isla ng kanilang Lola Pacita dahil mayroon daw itong karamdaman at inaalagaan ng anak nitong si Gelli de Belen.
Sa kwento ay isinama ng magkapatid ang kanilang mga barkada para mag-enjoy at mag-relax subalit katatakutan at kakaibang “thrill”ang kanilang hinarap na nauwi sa sunod-sunod na patayan at krimen habang unti-unting nabubuo ang buong istorya.
Sa ilang flashback scenes ay ipinakita kung paanong naging biktima ng violence at maltreatment si Paeng na siyang sinisi ng kanyang ina (Miles Poblete) at adoptive father (guest role si Dino Guevarra) sa pagkamatay ng kanyang babaeng kapatid.
Ginawang human ash tray ng amain si Paeng, habang cold treatment naman ang ibinigay ng kanyang ina maging ng kanyang tita (Gelli de Belen) na kapatid ng kanyang ina pero ka-affair ng amain.
Bukod tanging si Lola Pacita (Pilar Pilapil) lamang ang nakakaunawa at kakampi niya na maging ang krimen na kanyang ginawa sa murang edad ay pinagtakpan nito.
Sa murang edad ni Paeng ay dinanas na nito hindi lamang ang physical abuse kundi ang matinding depresyon at mental health, hanggang sa tuluyan na siyang ipinaubaya ng lola Paciut niya sa kanyang biological father.
Anak ni Pilar ang may guest role ding si Lloyd Samartino na siyang biological father ni Paeng at asawa ni Snooky Serna at anak nga nila si Regina (Shira Tweg) at naging malapit na kapatid sa ama ni Paeng.

Maraming mga twists and turns ang movie kaya’t hindi puwedeng kukurap ka pag itoý pinanood mo dahil kapag may ma-miss kang info ay maliligaw ka at magtatanong.
Mahusay ang camera works ni direk Louie Ignacio pati na ang paggamit niya ng ilang symbolisms para ma-establish na hindi lang basta may mga habulan at patayan na nagaganap.
Mahalaga ang role ni Janice de Belen bilang expert sa isyu ng psychology o behavior ng isang tao dahil ipinaliwanag niya ang mga pinagdadaanan at mga posibilidad na ginagawa conscioulsy, subconsciously or what ng isang may ‘psychological issue.’
Sa kaso ni Paeng, malalim ang naitanim sa kanya ng abuse, violence and crime kontra sa love and support mula sa inaasahan niyang family.
Sa bandang huli, may kakaibang twist ang movie ni direk Louie dahil sa gitna ng hindi pa na-resolve na usapin sa mga patayang naganap at eventually sa naging desisyon ni Paeng na pati ang Lola Pacita niya na siyang may hawak ng kanyang lihim na pagkatao ay kanya ding winakasan ang buhay para mag-stop na ang agony nito sa dinaramdam na sakit.
Kakaiba ang clincher o hanging ending ng movie kung saan makikita si Regina na may bagong mga “barkada” na nagnanais magbakasayon.
Inirerekomenda nito ang ISLA na ngayo’y pag-aari na at tinitirhan ng kapatid na si Paeng sabay focus sa kakaibang “ngiti” nito na para bang sinasabing siya naman ngayon ang tumatayong si lola Pacita, ang may hawak ng lihim at mga MANTSA sa pagkatao ni Paeng.
Magagaling ang mga artista sa MANTSA particularly si Pilar Pilapil na mahusay na naitago ang lihim ng pamilya.
Kapuri-puri din si Gelli de Belen na hindi lang pala taksil na kapatid pero may kakaibang kalandian though mapagmahal na anak ni Pilar.
Ang mga bagets o barkada nina Shira at Khai ay kapwa mahuhusay din at ramdam mong nakikinig sila sa direksyon ni direk Louie na mahusay ding nailahad ang kuwento using the seemingly limited spaces sa Isla na ginamit at ipinakita ang horror and mystery sa loob ng gubat at ilalim ng puno at eksena sa ilog.
Kapansin-pansin din ang “takot” na naipakita ng gumanap na batang Paeng na napakahusay na ginampanan ni Shaun Jass dela Torre.
Ang buong cast members ng MANTSA ay kinabibilangan nina Than Perez, RJ Ariar, Jass de la Torre, Milli Marzo, Ghia Garcia, Bo Bautista, LA Santos and Raine Barretto.
Isa din si Bambbi Fuentes sa mga sumulat ng kuwento kaya’t kahanga-hanga ang ideya ng expert sa pagpapaganda dahil may talento din ito sa pagsusulat at paglalahad ng kuwentong psychological with a twist.


