Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Cheska Garcia-Doug Kramer, ipinagtanggol si Patrick

Hindi na rin napigilan ng kilalang mga socmed personalities na sina Cheska Garcia at Doug Kramer na makiusap sa madla na maging mahinahon at pairalin ang pagiging positibo sa pagbibigay ng mga opinyon sa viral interview ni Patrick Garcia.

Kapatid ni Cheska ang dating aktor, habang si Doug naman na nakilala din sa mundo ng basketball ay asawa ni Cheska at mayroong silang mga anak na minahal ng madla at naging paborito nga ng mga family-oriented related consumer products and services.

Hindi man sila sumikat sa kanilang mga showbiz at sports career, nakilala naman ang pamilya nila sa pagkakaroon ng magaganda at gwapong mga anak na itinuring bilang mga adorable darlings ng socmed people.

At nito ngang na-da-drag din sila sa kontrobersiya na nalikha ng mga statements ni Patrick sa viral nitong interview kay Ogie Diaz, nakikiusap ang mga ito na mas maging mahinahon.

Normal naman daw ayon sa madla na ipagtanggol nila si Patrick lalo na si Cheska dahil kapatid niya ito at dahil inakusahan na bilang mga mapang-api ang kanilang pamilya, natural lang din daw na gawin ni Cheska ang kanyang pagtatanggol.

Samantala naririto naman ang mga cryptic post ni Doug patungkol sa usapin. Although naka-private na ang comment section sa kanyang IG account, may mangilan-ngilan pa ding nagbigay reaksyon dito reminding the former basketball player na siya man din ay dapat mag-ingat sa pagbibigay ng pagsuporta sa bayaw na si Patrick.

“PERFECTIONS ISN’T HUMAN, WE ALL STUMBLE ALONG THE WAY”

“Fight hate with Love. Resentment with Light.”

“Cruelty is an echo of unrest within. Yet not every stone thrown is purely blind.”

“Perfection isn’t human; we all stumble along the way. Grace is needed both ways- we all hurt others, and we also feel pain. So extend forgiveness generously; none of us walk with clean hands.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles