Dahil sa nilikhang kontrobersya at iskandalo ng naging panayam ni Patrick Garcia at ang pagbibigay nito ng kanyang “truth” sa past relationship niya kay Jennylyn Mercado, naglabasan din ang sari-saring bersyon ng mga celebrities tungkol sa usaping “fatherhood.”
Bukod kay Dennis Trillo na hayagan ang naging disgusto sa mga paliwanag at kuwento ni Patrick sa ngayo’y asawa niyang si Jennylyn, halos sunod-sunod din ang ibang mga celebrities sa pagbibigay ng kanilang opinion, simpatiya o komento.
Kung may direktang pagbatikos ang netizen sa socmed laban kay Patrick at sa dami ng mga nag-re-surface na mga interviews mula sa mga noo’y kilalang showbiz talk shows gaya ng Startalk at The Buzz, durog na durog talaga ang dating aktor.
Nag-boomerang dito ang lahat gn kanyang sinabi at tila pagsisisi pa kay Jennylyn na hanggang sa mga sandaling ito ay hindi nagsasalita at hinahayaan na lang ang iba ang magsalita for her.
Ang latest to join the foray ay ang aktres na si Carla Abellana, na kahit walang pagkampi sa mga kapwa Kapuso artists na sina Dennis at Jennylyn, ay may matikas na repost tungkol sa minsan nitong naging viral post hinggil sa posibleng kasuhan ng anak ang amang hindi nagbibigay ng sustento sa anak.
Matatandaang naging kontrobersyal at maiskandalo din ang personal na buhay ni Carla dahil sa naging relasyon niya sa amang si PJ Abellana, ang minsan ding naging matinee idol at heartthrob noong 80’s.
Hindi rin maitatangging nakasuporta din sina Glaiza de Castro, Katrina Halili, at iba pang mga nakasaksi sa sakripisyo ni Jennylyn noong mga panahong halos itanggi siya, kuwestyunin at i-gang -up ng pamilya ni Patrick.
Samantala, mayroon din namang mga naglalabasang depensa sa panig ni Patrick partikular ang pakiusap ng Star Music ng ABS-CBN na siyang nangangalaga ng karir ni Michelle, ang 13-anyos na dalagita ni Patrick na nakiusap sa ama na maglabas ng kanyang “truth” sa dating isyu ng ama.
Subalit kung pagbabasehan ang mga naka-post at nasa balita ngayon sa multi-media, halata daw na sinusubukan lang ng kampo ni Patrick na mag-damage control unlike sa panig nina Dennis at Jennylyn na organic at generic dahil mismong sa publiko o sa madla nanggagaling ang simpatiya at pagpapalabas ng mga sinasabi nilang proofs ng pagiging walang kuwentang ama ni Patrick.


