Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ex-Sen. Trillanes: P319M mula China pumasok sa kumpanyang konektado sa mister ni VP Sara

Mahigit P319 milyon mula umano sa Chinese government-linked entities at corporations ang pumasok sa Cale88 Foods Corp., kumpanyang partly owned noon ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases “Mans” Carpio, ayon sa alegasyon ni former Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV.

Inilatag ni Trillanes ang mga alegasyon nitong Biyernes, October 2, isang araw matapos siyang alisin bilang prosecution witness sa impeachment trial ni Duterte. Sinabi niyang siya mismo ang humiling na huwag nang iharap at sa halip ay ilabas sa publiko ang impormasyong ihaharap sana niya sa Senate Impeachment Court.

Batay sa Securities and Exchange Commission (SEC) records na naunang iniharap sa impeachment trial, incorporator, director at shareholder si Carpio ng Cale88 mula 2021 hanggang 2024. Umabot umano sa 47.5 porsiyento ang kanyang stake noong 2024 bago mawala ang kanyang pangalan sa records noong 2025.

Nauna na ring kinumpirma ni House lead prosecutor Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na kabilang sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) summaries na isinumite sa impeachment court ang inward remittances sa Cale88 mula China at iba pang bansa.

Hindi pa inilalabas sa impeachment trial ang kumpletong detalye ng remittances, kabilang ang halaga, senders at dates.

Pero naglatag si Trillanes ng mas tiyak na alegasyon at sinabing lumampas sa P319 milyon ang pondong pumasok mula China.

“Dapat kilabutan po tayo dito… Bawal po iyan. Bawal tumanggap from a foreign government, especially high-ranking official ang vice president,” sabi ni Trillanes.

“Kapag hindi pa ba impeachable iyan, ewan ko nalang. Nagbubulag-bulagan tayo,” dagdag niya.

Hindi naman shareholder ng Cale88 si Duterte batay sa corporate records na binanggit sa mga ulat. Iginiit ni Trillanes na dapat pa ring suriin ang interest ni Carpio dahil mag-asawa sila.

“Dito sa atin, conjugal properties ’yan. ’Yung pagmamay-ari ng asawa, kailangan ideklara mo,” ani Trillanes.

Pinalutang din ni Trillanes ang pangalang “Ang Hai Peng,” na ayon sa kanya ay nakalista bilang 60-percent owner ng Timesquare Bee Foods Inc., kumpanyang kalaunan ay naging GenCorp Industries Inc.

“Nung inimbestigahan ito ng aming team, makikita dito wala siyang birth certificate, wala siyang passport, peke ‘yung TIN niya,” alegasyon ni Trillanes, na tumutukoy sa Tax Identification Number.

“Incidentally, parehas ang kanyang birthday with Jaime T. Cruz,” dagdag niya.

Ayon pa kay Trillanes, nawala ang pangalan ni Ang Hai Peng sa corporate documents nang maging GenCorp ang Timesquare Bee Foods.

“Naglaho na sa kahit anong dokumento itong ‘Ang Hai Peng’. So sa madaling salita, from 2013 to 2023, mayroong fictitious person na ginawang presidente ng kumpanya ni Sara Duterte,” sabi niya.

Nakatakda pa ring pormal na iharap ang AMLC financial records. Na-reschedule sa Lunes, October 5, ang testimony ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura matapos bigyan ng dagdag na panahon ang defense para repasuhin ang financial documents. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles