Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Patrick Garcia, inilibing ang sarili; mas lalong napahamak ang anak na dalaga

Imbes na makuha ang simpatiya ng madla at mga taong matagal ding sinubaybayan ang naging karera ni Patrick Garcia sa showbiz, tila mas lalo nitong inilubog ang sarili sa kahihiyan.

Sa nag-viral na interview ng dating aktor sa vlog ni Ogie Diaz, wala yatang ni isa ang nakaunawa at nagbigay ng simpatiya kay Patrick hinggil sa naging ugnayan nila noon ni Jennylyn Mercado at pagkakaroon nila ng anak.

Sa pagsasalaysay ni Patrick ng kanyang “truth” at pagsagot sa mga taong ni Diaz ay higit ngayong apektado ang sinasabi niyang “justice” para sa anak na dalagita na biktima umano ng bashing.

Ang sinasabing dalagitang anak ni Patrick sa asawa nito ngayon ay nag-ti-train sa South Korea sa pag-asang magkaroon ng career gaya ng mga uso ngayong “girl group” dala ng talent nito sa pagsasayaw.

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, proud parents ni Alex Jazz… kuha sa FB

Subalit ayon pa sa dating aktor, naba-bash umano ang kanyang anak nang dahil sa kanya at kanyang past relationship with Jennylyn at pagkakaroon niya ng anak dito.

“For 17 years, ngayon ko lang sasabihin ang side ko. My truth,” sey pa ni Patrick habang isinasalaysay ang side of his story.

Na noong time daw na nabuntis niya si Jennylyn ay kumalat ang mga tsismis na hindi umano niya yun anak, na kesyo may politician na involve at nabanggit din ang name ni TV5 news anchor Andrei Felix na naka-relasyon daw ni Jennylyn two weeks after nilang mag-break at tila nasa ikalawang semestre pa lang daw pagbubuntis.

Ang tila ikinaloka pa ng netizen ay ang pangalan na ibinigay ni Jen sa anak nila na Alex Jazz na ani Patrick ay name din ni Andrei.

Dahil diyan, naglabasan bigla ang mga interviews nila noong 90’s kung saan lumabas nga ang mga deklarasyon ng pamilya ni Patrick na tila may “doubt” sa ipinagbubuntis ng aktres at may usapin pa sa DNA testing hanggang sa isyu ng sustento,

Ayon pa kay Patrick, noong 2017 pa niya huling nakita ang anak at kaya daw hindi na niya nabibigyan ng sustento ay dahil hindi naman daw niya ito nakikita.

Sinabi pa ng dating aktor na kaya lang siya kinausap ni Jen thru his now wife noong mga panahon na yun  ay para i-inform siyang balak ngang i-adopt ni Dennis Trillo si Alex Jazz.

Sa dami ng mga pagbabahagi ni Patrick ng mga kuwento, lahat ng iyon ay binuweltahan ng netizen at naglabas sila ng mga proofs kung paano tila si Jen ang inapi at naapi ng mga pangyayari, considering na yun din ang time na namamayagpag ang karera ng aktres bilang isa sa pinakasikat sa GMA 7 at showbiz.

Special child si Alex Jazz at 18 years old na siya ngayon. Mayroon itong special attention na ibinibigay nina Dennis at Jennylyn gaya ng regular session sa mga experts in the field to address his mental and emotional “needs.” 

Hindi naman nakatiis si Dennis na sumagot sa mga naging istorya ni Patrick, pati na ang kasalukuyang manager nilang si Becky Aguila.

Subalit higit ngang malakas ang boses ng madla at mga may simpatiya, respeto at pagmamahal kay Jennylyn na ipinagtatanggol ito at resbakan pabalik si Patrick at lahat ng mga sinasabi niyang kanyang “truth.”

Ang siste, tila hindi makakatulong sa kanyang dalagitang anak ang sinasabi nilang paglilinis niya ng pangalan dahil kung ang sistemang South Korea daw ang pag-uusapan, sobrang cautious at concern umano ang mga ito sa malinis at magandang imahe at reputasyon ng mga tini-train nilang mga artists.

Marami nga ang nagsasabi na sadyang may mga bagay na dapat talagang ibinabaon na lang sa limot lalo’t sa simula’t simula pa lang naman daw talaga ay kitang-kita na ang kawalan ni Patrick ng interes na akuin, arugain o mahalin ang anak nito kay Jennylyn.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles