Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

TALON SA BAGONG BUHAY – Kabanata 18

Kabanata 18: Muling pagkikita

Mainit pa ang makina ng asul na Toyota Vios nang bumukas ang pinto ni Jiro.

Pagbaba niya, unang tumama sa kanya ang katahimikan ng lugar.

Iba ang tunog sa bukana ng La Vista. Kahit ilang metro lang ang layo ng Katipunan highway, parang malayo ang ugong ng trapiko. May mga punong nakahilera sa gilid ng kalsada. Maayos ang semento. Malinis ang paligid.

At sa gilid ng gasolinahan, may dalawang taong naghihintay.

Napatingin si Jiro.

Ang isa ay si Monching.

Nakilala niya agad. Ilang beses na niyang nakita ito noon sa simbahan kapag hinahatid si Christian.

Pero ang katabi nito ang agad nakakuha ng pansin niya.

Isang babae.

Matangkad. Diretso ang tindig. Maayos ang buhok. Simpleng blouse ngunit parang may sariling bigat ang presensya.

Hindi niya kilala.

Pero may kakaibang pamilyar sa mukha nito.

Napakunot ang noo ni Jiro habang nakatitig.

Parang nakita na niya sa kung saan.

Sa telebisyon.

Sa mga poster sa barangay hall.

Sa balita na pinapanood ng mga kapitbahay kapag gabi.

Unti-unting naglinaw ang pangalan sa isip niya.

“Senator…”

Napakurap siya.

“Senator Claire?”

Bahagyang ngumiti ang babae.

Ngunit hindi iyon ang ngiti ng isang pulitiko.

May halong kaba.

May halong pananabik.

At may halong lungkot.

“Anak.”

Dalawang segundo.

Tatlong segundo.

Hindi gumalaw si Jiro.

Parang hindi pumasok sa utak niya ang salitang narinig.

“Ano?”

Napaatras siya nang bahagya.

Napatingin siya kay Christian.

“Insan…ano to?”

Tahimik si Christian sa tabi ng kotse.

Hindi niya agad sinagot ang tanong.

Sa gilid naman ay nakatayo si Monching. Nakapamulsa. Nakamasid lamang.

Lumapit nang kaunti si Claire.

Dahan-dahan. Parang takot siyang mabigla ang binata.

“Ako ang nanay mo.”

Napailing si Jiro.

“Hindi.”

Napailing ulit siya.

“Hindi…hindi…”

Napahinto siya.

Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy niyang nanay.

Si Esther.

O ang babaeng nasa harap niya.

Napatingin siya kay Christian.

“Insan?”

Huminga nang malalim si Christian.

“Pasensya na, insan.”

Napakunot ang noo ni Jiro.

“Anong pasensya?”

Napakamot si Christian sa ulo.

“Alam ko na kasi.”

“Matagal na.”

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa batok ni Jiro.

“Alam mo?”

“Simula pa nung bata tayo.”

Napaatras siya ng kalahating hakbang.

“Insan…anong ibig mong sabihin?”

Tahimik sandali si Christian bago sumagot.

“Yung pagkikita natin kanina.”

“Hindi yun tsamba.”

“Pinlano yun.”

Napanganga si Jiro.

“Ha?”

Huminga nang malalim si Christian.

“Gusto ko lang naman na dumulo sa ganito.”

“Sa ganito?” ulit ni Jiro.

Hindi na maipinta ang mukha niya.

“Ano ba tong nangyayari?”

Huminga nang malalim si Claire.

“Ang lolo mo,” sabi niya.

“Ang tatay ko.”

“Si Senator Luis De Dios.”

Napatingin si Jiro sa kanya.

Hindi niya kilala ang pangalang iyon.

Pero ramdam niya ang bigat ng paraan ng pagbanggit ni Claire.

“Napakalupit niyang tao.”

May dumaan na truck sa Katipunan, na nasa likod nila.

Ngunit parang malayo ang tunog.

“Hindi niya kayang tanggapin na nagkaanak ako nang hindi niya kontrolado.”

“Kung nalaman niyang nandiyan ka…”

Napapikit si Claire.

“Ipapapatay ka niya.”

Tahimik ang gasolinahan.

Nakatitig lang si Jiro.

“Ano?”

Mahina ang boses niya.

“Kung hindi kita nilayo,” sabi ni Claire.

“Hindi ka mabubuhay.”

Unti-unting nagsimulang gumalaw ang mga piraso sa isip ni Jiro.

Ang sulat.

Ang singsing.

Ang address.

Ang biglang paglitaw ni Christian.

Napatingin siya ulit sa kaibigan.

“Insan…”

“Simula pa noon?”

Tumango si Christian.

“Simula pa nung bata tayo.”

“Pero totoo yung pagkakaibigan natin.”

“Nagkataon lang na may dahilan kung bakit ako lumapit.”

Napahawak si Jiro sa ulo niya.

Parang umiikot ang paligid.

Sa harap niya ay isang babaeng kilala ng buong bansa.

At sinasabi nitong siya ang nanay niya.

“Bakit ngayon?” tanong niya.

“Bakit ngayon mo lang sinabi?”

Huminga nang malalim si Claire.

“Dahil ngayon lang ako puwedeng magsabi.” /Itutuloy sa susunod na kabanata

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles