Tila hindi masyadong kinagat ng mga ka-Atin at ka-Mahalima, ang mga armies ng kings of p-pop ng bansa na SB19 ang tinatawag nilang “pabibo” Senate resolution nina Senador Bam Aquino at Kiko Pangilinan.
Maraming mga supporters ng sikat na grupo ang nagsasabing “too late” naman daw yata ang naturang mga resolusyon na kumikilala sa mga na-achieve at nai-contribute ng SB19 sa bansa pagdating sa musika, kultura, turismo at pag-propagate ng pinoy values sa global world.
“Why only now? Kinakalendaryo ba nina Aquino at Pangilinan ang media activity nila para magpabango sa mga tao? Lalo na yung hindi naman talaga mahilig sa pulitika nila?,” himutok ng mga supporters.
“Naku, basta huwag nilang magamit-gamit sa political agenda nila ang mga mahal natin. Long overdue na ang ganyang mga parangal at pagkilala. Very consistent, very positive at tunay namang sinasalamin ng SB19 ang magagandang katangian ng isang magaling na pinoy boy band. Kahit wala na iyang mga ganyan, the facts and records of their brilliance, their supremacy and kind hearts will be remembered, adored. NO to politics, ” sigaw naman ng iba pa.
Nitong September 28 nga ay unanimously ini-adopt ang Senate Resolution No. 545, “honoring the P-pop group SB19 for their historic performance at the Lollapalooza Music Festival in Chicago.”
Ang naturang Senate resolution ay filed and sponsored by Senator Bam Aquino. habang ang isa pang related resolution, Senate Resolution No. 573, ay filed naman ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
Sinasabi nga sa naturang resolution na nire-recognize at pinahahalagahan ang SB19 bilang unang Filipino act na nakapag-perform sa internationally renowned Lollapalooza Music Festival, na ginanap sa Grant Park, Chicago, USA last July 30, 2026.
Ayon pa sa naturang pagkilala, naniniwala at pinupuri ng mga lawmakers ang naturang kontribusyon lalo’t hindi lang nito ipinakita sa ibang lahi sa buong mundo ang galing ng Original Pilipino Music (OPM) kundi naisulong din at pinatunayan ng SB19 ang pagiging creative artists ng mga pinoy.
Binanggit din sa naturang resolusyon ang iba pang achievements ng SB19 sa international scene gaya ng laging pagkakasali sa Billboard ng mga kanta nila (gaya ng “Bazinga” at “DAM”) at iba pang international festival appearances gaya naman ng Summer Sonic 2026 sa Japan.
Personal namang dinaluhan at masayang tinanggap ng SB19 members na sina Stell, Ken, Justin, Josh at Pablo last Sept. 28 ang naturang pagkilala sa kanila ng Senado.
Sinamahan din sila ng ilan nilang mga tagapamahala sa 1Z Entertainment at iba pa nilang malalapit na kaibigan.


