Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Celeste Cortesi- Johnny Sterling, tinawag na “mga eklay” sa socmed

Pagkatapos ng halos-see-saw na tsika hinggil sa totoong namamagitan sa beauty queen actress Celeste Cortesi at boyfriend nitong businessman John Sterling, pinal ng inanunsyo ng beauty queen at ni Sterling na “hiwalay” na sila.

Matatandaang nitong mga buwan ng June-July ay halos naiskandalo ang mundo ng pageantry at showbiz dahil pumutok ang tsismis na ang nagdadalantaong si Cortesi ay diumanoý “inahas” ng kapwa beauty queen na si Bianca Manalo.

Mabilis naman itong pinabulaanan nina Sterling at Manalo dahil magkaibigan lang daw sila at nangako pa noon ang negosyante na soon ay plano niyang pakasalan si Cortesi.

Nag-anunsyo pa sila noon na kapwa nila tatawagin sa pangalang Sergio ang magiging baby nila ng beauty queen.

Subalit nitong Sept, 30 sa season finale ng docuseries na “Celeste Unscripted”  kapwa nag-anunsyo sina Cortesi at Sterling na opisyal na silang hindi couple at mananatili na lang magkaibigan.

Na anila ay kapwa nila palalakihin at aarugain ang magiging anak nila bilang co-parents nito.

Kabuwanan na ngayong October ni Cortesi kaya’t maraming mga nakapanood sa kanila ang tila nahilawan sa beauty queen actress dahil kung kailan daw ito manganganak na kung kailan napaniwala nilang okey sila ng finacee niya ay saka may ganitong anunsyo.

Pinaratangan din silang for clout at for money lang daw ang ginawa nilang kaartehan.

Tinawag pa silang mga “eklay” o mga manloloko ng netizen sa socmed lalo’t bukod naman dw sa pagiging beauty queen na wala namang major international title ay no-name o “da-hu?”pa rin si Cortesi sa industry ng entertainment.

Marami din ang nag-kuwestyun sa nooý napabalitang “yaman” ni Sterling bilang isang negosyante.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles