Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DA hihigpitan pork imports para protektahan mga hog raiser

Hihigpitan ng Department of Agriculture (DA) ang pork imports para protektahan ang local hog raisers mula sa patuloy na pagbaba ng farmgate prices.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na pinag-aaralan ang mga bagong hakbang kasunod ng direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang local hog industry.

Batay sa report ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., lumago ng 6 porsiyento ang local hog production sa unang kalahati ng 2026. Pero kasabay nito ang pagdami ng pork imports, na nakaapekto sa presyo ng lokal na baboy at pagbawi ng hog farmers sa kanilang pagkalugi.

Kabilang sa pinag-aaralan ang mas mataas na taripa.

“Maliban sa mas mataas na taripa, layunin din ng DA na magpataw ng tariff line sa mga frozen pork jowls na nagiging kompetensya ng local pork products sa merkado,” sabi ni Castro.

Kabilang sa final recommendation ang pagtataas ng tariff rates sa 25 porsiyento at 35 porsiyento sa susunod na taon. Plano namang ibalik sa 2028 ang dating 30 porsiyento para sa in-quota imports at 40 porsiyento sa out-quota imports.

Naglatag din ng mga panukala ang hog industry leaders.

“Iminungkahi naman ng industry leaders sa meeting na magpataw ng time-bound quantitative restrictions sa imported pork, paglalagay ng local shipping permits at testing para sa imported frozen meat, paghihigpit sa mga import shipments na may mas mababang tariff category at paggamit ng updated reference value para sa imported pork upang maiwasan ang undervaluation,” ani Castro.

Target ng mga hakbang na mabawasan ang pressure ng imports sa farmgate prices at matulungan ang local hog raisers na makabawi sa pagkalugi. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles