Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

P10.2-M shabu, nasamsam sa Zamboanga twin ops

Tatlong hinihinalang drug dealer ang naaresto habang mahigit P10.2 milyon halaga ng iligal na droga ang nasabat sa dalawang magkahiwalay na anti-drug operation sa Zamboanga City noong Sabado.

Ayon sa ulat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Zamboanga Peninsula Director Bryan Babang, nadakip ang suspek na kilala sa alyas na “Brandon,” residente ng lungsod, bandang 7:50 ng gabi sa isang buy-bust operation sa Corcuera Street sa Barangay Zone 4.

Narekober mula sa kanyang ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa resealable plastic bag na may tinatayang halagang P6.8 milyon. Nasamsam din ng mga operatiba ang buy bust money, isang mobile phone, at ang sasakyang ginamit umano sa pagde-deliver ng iligal na droga.

Sa hiwalay na operasyon, nadakip naman ang dalawa pang suspek na kinilalang sina “Arnold” at “Ben.” Inaresto sila ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa labas ng isang hotel sa Barangay Canelar bandang 4:45 ng hapon.

Ayon sa ulat, may dala ang dalawang suspek na tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Sa kabuuan ng dalawang operasyon, umabot sa P10.2 milyon ang halaga ng hinihinalang ilegal na droga na nasamsam ng mga awtoridad.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles