Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pamasahe sa jeep, bus, TNVS, airport taxi tumaas na ngayong araw!

Mas mahal na ang pamasahe sa jeep, bus, TNVS at airport taxi simula ngayong Lunes, September 28, matapos ipatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bagong fare rates sa public utility vehicles.

Sa traditional jeepney, P14 na ang minimum fare sa unang apat na kilometro mula P13, habang P2 ang singil sa bawat susunod na kilometro.

Sa modern jeepney, P17 na ang minimum mula P15, at P2.40 kada succeeding kilometer.

Tumaas din ang city bus fares. Sa ordinary bus, P15 na mula P13 ang unang limang kilometro at P2.49 kada succeeding kilometer mula P2.25.

Sa air-conditioned city bus, P18 na ang unang limang kilometro mula P15, habang P2.98 na mula P2.65 ang bawat succeeding kilometer.

Para sa ordinary provincial bus, P12 na mula P11 ang unang limang kilometro at P2.20 mula P1.90 ang succeeding kilometer.

Tumaas din ang succeeding-kilometer rates sa air-conditioned provincial buses sa P2.45, deluxe sa P2.60, super deluxe sa P2.70 at luxury sa P3.35.

May 15 porsiyentong dagdag naman sa existing fares ng point-to-point services.

Pinakamalaki ang itinaas sa base fare ng airport taxi. P115 na ang flag-down rate sa unang 500 metro mula P75. Hindi nagbago ang singil sa bawat 300 metro at bawat dalawang minuto.

Sa TNVS, P65 na ang booking fare para sa sedan mula P45. P75 na ang AUV/SUV mula P55, P55 ang hatchback mula P35 at P165 ang premium mula P145. Itinakda naman sa P15 kada kilometro ang pick-up fare.

May provisional increase na rin ang UV Express, P2.60 kada kilometro sa traditional units at P3 sa modern units.

Pending pa sa LTFRB ang fare adjustment petitions para sa regular, premium silver at premium gold taxis.

Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, kailangan ang dagdag-pasahe para manatiling sapat ang mga pampublikong sasakyan sa kalsada.

“Itong umiiral na pamasahe sa PUVs, ito na ’yung pamasahe bago pa man ’yung fuel crisis. Kaya hindi na ito sapat para magkaroon nang maayos na kita ’yung ating mga driver at operator,” sabi ni Lopez.

Sinuportahan ng tatlong major bus operator groups ang adjustment pero kinilala rin ang dagdag na pasanin sa commuters.

“We also recognize that any increase in fares is an additional burden on our passengers, especially at a time when every Filipino family is managing a higher cost of living. It is not a reason for celebration, but a necessary measure to help preserve the public transport service on which millions of Filipinos depend on,” ayon sa kanilang pahayag.

Mananatili ang mandatory 20 porsiyentong discount para sa students, senior citizens at persons with disabilities.

Bago maningil ng bagong pamasahe, kailangang nakapaskil sa PUV ang updated fare matrix. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles