Nakamit ni Albert Ian Delos Santos ang bronze medal sa men’s 70-kilogram class sa weightlifting sa Aichi-Nagoya Asian Games 2026 na ginanap sa Nagoya City Trade and Industry Center nitong Sabado.
Nalagpasan ng 20-anyos si Adkhamjon Ergashev ng Uzbekistan upang makapasok sa podium matapos magtala ng 141 kilo sa snatch at 183 kg sa clean and jerk.
Ang kanyang kabuuang buhat na 324 kg at ang kanyang performance sa clean and jerk ay mga bagong World junior at Asian junior records.
Habang nasa ikatlong puwesto si Ergashev matapos makapagtala ng 142 kg sa snatch, hinamon ni Delos Santos ang 27-anyos na Uzbek, na nagbuhat ng 178 kg at 181 kg sa kanyang unang dalawang pagtatangka sa clean-and-jerk upang maagaw ang puwesto.
Si Ergashev ay nakapagtala lamang ng 176 kg.
Ginamit ni Ergashev ang kanyang huling dalawang pagtatangka sa pagbuhat ng 180 kg at 181 kg ngunit hindi ito naging sapat, kaya nakamit ni Delos Santos ang unang podium finish ng bansa sa men’s weightlifting matapos ang 56 na taon.
Ang huling medalya na nakuha ng isang lalaking weightlifter ay noong 1970 Bangkok Games, nang makuha ni Salvador Del Rosario ang silver medal sa 52 kg division.
Lalo pang pinatunayan ni Delos Santos ang kanyang husay sa pamamagitan ng 183 kg na buhat sa kanyang huling pagtatangka.
Nagwagi si Ri Won Ju ng North Korea matapos magtala ng world record na 349 kg na kabuuang buhat, kabilang ang 151 kg sa snatch at panibagong world record na 198 kg sa clean-and-jerk.
Nakuha naman ni Masanori Miyamoto ng Japan ang silver medal matapos magtala ng kabuuang 342 kg, kabilang ang world record na 154 kg sa snatch at 188 kg sa clean-and-jerk.
Samantala, nanalo ang two-time Olympic medalist na si Nesthy Petecio sa kanyang unang laban sa women’s boxing sa Nishio Gymnasium.
Makakasama niya sina Junmilardo Ogayre at Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa quarterfinals.
Tinalo ni Petecio si Jordan’s Mays Alreem Abukhadijah sa 60 kg round of 16 sa pamamagitan ng referee stopped contest sa 1:51 ng second round.
Sa quarterfinals, makakaharap ni Petecio ang Chinese na si Yang Chengyu; makakaharap naman ni Ogayre ang Uzbek na si Abdumalik Khlakov sa men’s 60 kg; habang haharap si Paalam ang isa pang Chinese na si Zhang Jiamao sa men’s 55 kg.
Sa kabuuan, ang Pilipinas ay mayroon nang dalawang gold medal (parehong mula kay Carlos Yulo), dalawang silver (Jean Claude Saclag ng mixed martial arts at women’s 3×3 basketball), at anim na bronze medal (Karl Eldrew Yulo ng gymnastics, women’s soft tennis team, Carlos Alvarez ng mixed martial arts, Delos Santos, at Marie June Adriano at women’s kata team ng karate).


