Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

UST Tigresses, wagi; NU, UP, Ateneo leader sa division

Dinurog ng University of Santo Tomas ang University of the East, 103-58, upang simulan ang depensa sa UAAP Season 89 women’s basketball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Sabado.

Sa men’s division, tatlo ang sumosyo sa liderato nang talunin ng National University ang University of the Philippines, 72-64; at ng Ateneo ang Adamson, 73-68.

May pareparehong 2-1 kartada ang NU, UP at Ateneo.

Hawak ng Adamson ang 1-1 kartada, na tinablahan ng Far Eastern University matapos talunin ang UE na kapos pa rin sa swerte, 93-70.

Laglag ang UE sa 0-3 at naghihintay pa rin ng panalo na huling nangyari noong Oktubre 2024 kontra Adamson, 63-62.

Nagtala si Brig Santos, na nasa huling taon na sa Growing Tigresses, ng 18 puntos, apat na rebound at dalawang steal.

Ang sophomore na si Erinn McAlary ay gumawa ng career-high 14 puntos, kasama ang limang rebound at dalawang block.

“Of course, it’s our first game so there were jitters in the first half. Then during the second half, that was the time the girls settled down and the defense and offense were a much better flow. It was a team effort, everybody contributed, especially the rookies,” ani UST coach Haydee Ong.

Nag-ambag sina Karylle Sierba at CJ Maglupay ng tig-10 puntos para sa Growling Tigresses, na nagkaroon ng malaking 56-35 kalamangan sa halftime.

Nanguna si Sy Onate para sa Lady Warriors na may 16 puntos, sinundan ni Rachel Lacayanga na may 15 puntos at 10 rebound.

Susunod na makakaharap ng UST ang Adamson University sa Oktubre 3, alas-9 ng umaga, habang makakaharap naman ng UE ang De La Salle University sa Oktubre 4, alas-10 ng umaga.

Sa U16 boys’ division, tinalo ng UST ang Adamson University, 82-76.

Nagtala si Mac Macasarte ng 26 puntos, 12 rebounds, dalawang steal at isang block para sa Tiger Cubs, na naghabol mula 42-44 sa halftime.

Nagdagdag si Miguel Austria ng 20 puntos, 13 rebound, tatlong assist, dalawang steal at dalawang block; habang nagtala naman si Wayne Anggot ng siyam na puntos, siyam na rebound, pitong assist, tatlong block at isang steal.

Nanguna si Derren Sepnio para sa Baby Falcons na may 16 puntos at apat na rebound, sinundan ni Zach Caintic na may 15 puntos at Carl Espiritu na may 14 puntos, pitong rebound, pitong assist at dalawang steal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles