Viral sa socmed ang mga pinost na photos ni Paolo Contis na kasama sina Kapuso primetime king Dingdong Dantes at award-winning actor John Lloyd Cruz.
Mabilis na nag-viral ang naturang mga fotos kung saan makikitang tila nagkakasiyahan ang tatlong magkakaibigan o nanggaling sila sa isang meeting or what.
Marami tuloy ang nagsasabing baka may importanteng collaboration na pinag-uusapan ang tatlo lalo’t sina Dingdong at John Lloyd ay maituturing na “A- listers” sa showbiz.
“Parang nakaka-excite kung anuman ang plano nila. Sana nga meron,” sigaw ng netizen sa mga fotos na nakapost sa socmed account ni Paolo.
“Kay suwerte naman ni Paolo dahil makakasama niya ang dalawang hari ng industriya,” hirit naman ng ilan pa.
Medyo matagal ng walang activity sa showbiz sa John Lloyd simula ng mag-lay low ito after na mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, Ang huling ginawa nito ay ang show pa sa GMA 7 na sitcom.
Sa photo caption ni Paolo na “An hour and a half later,” ay hinuhulaan ng marami na nanggaling nga sila sa isang importanteng pag-uusap. At sana nga daw ay isang movie project ang nasabing pag-uusap ng mga ito.
Although wala pang linaw kung sa ongoing The Master Cutter show ni Dingdong papasok sina Lloydie at Paolo, pero marami din ang nagsasabing okey nga daw yun kapag natuloy.
Ang talaga daw inaabangan nila ay ang proyektong lalabas after ng shooting.
Ano nga kaya yun?


