Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kain-tipid! VYBE may deals sa Noodlerama restos hanggang October 31

May dagdag na tipid sa kainan ang VYBE users matapos makipagtambalan ang BPI sa Noodlerama para sa cashless payment deals sa piling restaurants.

Hanggang October 31, makukuha ang discounts at special offers kapag nagbayad gamit ang QR Ph sa VYBE.

Sa Ramen Nagi, may P150 discount sa side dishes kapag umabot sa P1,000 ang minimum spend. Sa Ton-ichi Ramen, P99 naman ang ramen kapag bumili ng anumang regular order.

May P100 discount din sa Crunchy Pork ng Propaganda Bistro. Sa Akimitsu, P150 ang California Maki kapag umabot sa P500 ang minimum spend.

Hindi lamang sa Noodlerama establishments nagagamit ang VYBE. Tinatanggap ang app sa lahat ng QR Ph merchants sa buong bansa.

Halos 2.9 milyon na ang VYBE users, habang pinalalawak ng BPI ang paggamit nito sa dining, shopping, travel at iba pang transactions.

Ayon kay BPI Consumer Marketing and Platforms Head Eric Faustino, layunin ng partnerships na gawing mas rewarding ang digital payments at palawakin ang paggamit nito.

Bahagi ang Noodlerama partnership ng pagtutulak ng BPI sa secure at convenient na cashless payments para sa araw-araw na transactions habang nagbibigay ng dagdag na benepisyo sa customers at negosyo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles