Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kim Molina-Jerald Napoles, legal ng kasal

Nagmistulang mga eksena sa pelikula ang naganap sa kasalan ng kapwa mahusay na komedyante na sina Kim Molina at Jerald Napoles.

Noong Linggo, Marso 1, ay pormal ng nag-isang dibdib ang showbiz couple sa Amorita Resort, Panglao, Bohol.

Sa mahigit sampung taon nilang relasyon, inakala nga ng marami sa showbiz na hindi mauuwi sa kasalan ang kanilang pagsasama. 

Gaya ng isang normal na kuwento, may mga ups and downs din daw ang naging relasyon nila lalo’t nasa mundo sila na tadtad ng mga intriga at iskandalo.

“Malaking bagay yung mga proseso na nasusukat yung respeto at tiwala. Siyempre nandiyan yung mga pamilya namin at mga katrabaho, kaibigan na nakasuporta din,” wika ng mag-asawa.Nagsimula nga sa isang musical show ang kanilang pagmamahalan. Panahon yun ng musical play na Rak of Aegis (January 2014) kung saan kapwa sila mga cast members, bilang kapwa sila mga singer at stage performers.

At kahit naging bahagi din sila ng maraming mga produksyon sa TV at pelikula, sa loob pa rin ng tanghalan pinili ni Jerald na mag-propose. Naganap ito sa loob ng PETA (Philippine Educational Theater Association) Theater Center sa Quezon City noong August 11, 2024.

At noong Linggo nga ay parang mga eksena sa pelikula ang naganap sa kanilang kasal.

Sa tulong ng mga kaibigan na sina Alden Richards, Gerald Anderson at Kim Atienza, nagmistulang stage play ang pag-anunsyo ng pagpasok ng magsing-irog. 

“Puno ng komedya, ng saya, tatawa ka talaga pero ramdam mo yung nag-uumapaw na pagmamahalan nila,” komento ng mga saksi.

Bongga din ang line-up ng mga principal sponsors na ayon sa mga malalapit sa couple ay tunay namang may espesyal na relasyon sa dalawa.

Kasama diyan  sina Viva Chairman Vic del Rosario Jr., Butch Jimenez, Aga Muhlach, Kim Atienza, Robert Seña, Rafael Soriano, Alexander Zaraspe, Alex Uy, at Edwin Mercado bilang mga ninong.Sina Laarni Enriquez, Tricia Jimenez, Charlene Gonzalez, Isay Alvarez, Sweet Plantado, Anne Amon, Lerma Bernabe, Rosie Uy, June Rufino, at  Ai-Ai delas Alas naman ang mga ninang.

Kabilang sa Team Groom sina Alden Richards, Gerald Anderson, Pepe Herrera,Alex Medina, Ryan Buenviaje, Rafael Sudayan, Peter Paul Corpuz, Acey Aguilar, at Nicco Manalo.
Team Bride naman sina Cacai Bautista, Yassi Pressman,Yumi Lacsamana, Kakki Teodoro, Caryl Ann Paraico, Via Antonio, Abby Asistio, Angelique Aquino, Natileigh Sitoy, Niña Marie De Torres, at Adrian Lindayag.
Ang mga iba pang naging bahagi ng entourage ay ang mga Candle sponsors na sina Miguel Jimenez at Kayla Jimenez, veil sponsors sina Myke Solomon at Gabriela Solomon, at cord sponsors si Aristotle “Gloc-9” Pollisco at ang direktor na si Irene Villamor.

Si Dimples Romana.ang nagsilbing Matron of Honor.

Ang sikat na fashion designer na si Mak Tumang ang gumawa ng wedding gown ni Kim.

Congratulations mula sa Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles