Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DTI: Walang taas-presyo sa basic goods hanggang April 30

May panandaliang ginhawa para sa mga mamimili matapos tiyakin ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi tataas ang presyo ng basic necessities at prime commodities hanggang April 30.

Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, nakipag-usap ang ahensya sa mga manufacturer at nagkasundo ang mga ito na huwag munang magpatupad ng price increase sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Paliwanag ng DTI, ang kasunduang ito ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan para maprotektahan ang mga konsyumer mula sa epekto ng sunod-sunod na oil price hikes na nagdulot ng pagtaas ng gastos sa produksyon at transportasyon.

Nilinaw ni Roque na boluntaryo ang naging commitment ng mga manufacturer, ngunit mahalaga ito para mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Kabilang sa tinutukoy na basic necessities at prime commodities ang mga produktong pang-araw-araw na ginagamit ng mga Pilipino, tulad ng pagkain, de-lata, instant noodles, tinapay, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Sinabi rin ng DTI na patuloy ang kanilang monitoring sa presyo ng mga bilihin para matiyak na sumusunod ang mga kumpanya sa napagkasunduan.

Binigyang-diin ng ahensya na sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, nananatiling matatag ang suplay ng mga pangunahing produkto sa bansa.

Sa ngayon, umaasa ang pamahalaan na makatutulong ang kasunduang ito para mapigilan ang agarang pagtaas ng presyo ng mga bilihin habang patuloy na hinaharap ang epekto ng krisis sa langis.

Patuloy ding hinihikayat ng DTI ang publiko na maging mapanuri sa presyo ng mga bilihin at i-report ang anumang paglabag sa umiiral na price regulations. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles