Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DFA: Passport release, madedelay dahil sa Middle East conflict

Inaasahan ang pagkaantala sa paglabas ng mga bagong passport matapos kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na apektado ang proseso dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.

Sa advisory ng DFA, sinabi ng ahensya na maaapektuhan ang release ng mga passport na in-apply noong huling bahagi ng Marso dahil sa pagkaantala sa delivery ng passport booklets. Ang mga booklet na ito ang ginagamit sa pag-imprenta ng mga passport.

Ayon sa ahensya, ang pagkaantala ay konektado sa sitwasyon sa Middle East na nakaapekto sa logistics at transport ng mga materyales. Dahil dito, hindi agad naipapadala ang mga kinakailangang suplay para sa produksyon ng passport.

Dagdag ng DFA, inaasahang madadagdagan ng 10 hanggang 15 working days ang waiting time bago makuha ang passport, bukod pa sa karaniwang processing period.

Nilinaw ng ahensya na patuloy ang pagtanggap at pagproseso ng mga aplikasyon sa lahat ng passport centers. Gayunman, ang delay ay nasa bahagi ng printing at delivery ng passport booklets.

Pinayuhan ng DFA ang mga aplikante na regular na i-check ang status ng kanilang passport bago pumunta sa release site para maiwasan ang abala.

Dagdag pa ng ahensya, hinihingi nila ang pang-unawa ng publiko habang inaayos ang epekto ng delay sa produksyon at delivery ng passport.

Patuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa mga kinauukulang service providers para mapabilis ang pagdating ng passport booklets at maibalik sa normal ang release schedule. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles