Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

We’re going up up up! Pasahe sa halos lahat ng PUVs, tataas

Sabi nga sa kanta sa Kpop Demon Hunters, we’re going up up up! 

Ganito ang haharapin ng mga commuter matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag pasahe sa halos lahat ng public utility vehicles (PUVs).

Simula Huwebes ipatutupad ang panibagong fare hike, ayon sa LTFRB, kung saan sakop ang jeep, bus, taxi, at ride-hailing services. 

Dagdag pa ng ahensya, pansamantala ang pagtaas ng pasahe at magiging pinal kapag nailabas na ang bagong fare matrices bago sumapit ang Hunyo.

Para sa traditional jeepneys, itinaas ang minimum fare sa P14 mula P13 para sa unang apat na kilometro. Mananatili sa P2 ang dagdag kada susunod na kilometro. Sa modern jeepneys, P17 na ang minimum mula P15 para sa unang apat na kilometro, habang P2.40 ang kada dagdag na kilometro.

Sa mga bus, P15 ang minimum fare para sa ordinary buses sa unang limang kilometro, habang P2.49 ang dagdag kada kilometro. Para sa air-conditioned buses, P18 ang minimum at P2.97 ang kada susunod na kilometro.

Para naman sa provincial buses, itinakda ang minimum fare sa P12 para sa unang limang kilometro at P2.20 ang dagdag kada kilometro.

Hindi rin ligtas sa dagdag pasahe ang mga gumagamit ng ride-hailing apps. Ayon sa LTFRB, may P20 na dagdag sa base fare ng transport network vehicle services o TNVS.

Sa airport taxis, itinaas ng P40 ang flag-down rate para sa unang 500 metro. Samantala, sa point-to-point buses, pinayagan ang hanggang 15 porsiyentong pagtaas batay sa kasalukuyang pamasahe sa bawat ruta.

Ayon sa Department of Transportation, inaprubahan ang fare adjustment kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang gastos sa operasyon ng mga operator at driver.

Sa kabila nito, sinabi ng pamahalaan na may hakbang para maibsan ang epekto ng dagdag pasahe sa mga mananakay.

Sa isang pahayag, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na ilulunsad ang Libreng Sakay Program para makatulong sa mga commuter, lalo na sa mga estudyante at manggagawa, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“We are doing an inventory of what we can deploy, and who can participate,” ani Recto.

“There will be various modalities. We can deploy government-owned vehicles, for example. Or even contract buses and designate these as fare-free rides,” dagdag niya.

Ayon pa kay Recto, posibleng hilingin sa mga lokal na pamahalaan na may libreng sakay programs na palawigin ang kanilang oras ng operasyon.

“Ang mahalaga, pag naipon ang lahat ng mga ‘yan, malaki ang maitutulong sa mananakay,” aniya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles