May isang eksena sa isang kilalang Instagrammable café sa South ang pinag-uusapan ngayon ng mga kabisto.
Ayon sa isang customer na saksi sa pangyayari, maaga pa lang ay nakapwesto na sila sa café. Nakapag-order na sila ng pagkain at inumin, at matagal nang naghihintay. Pero nagulat daw sila nang may dumating na grupo ng isang kilalang female public figure, sabay biglang nag-iba ang takbo ng serbisyo.
Kahit nauna raw mag-order ang ilang customers, nauna pang na-serve ang pagkain at drinks ng grupo ng nasabing personalidad. Dito na umano nagsimulang uminit ang ulo ng ilang nakapila at naghihintay.
Ayon pa sa kwento, tila naging mas abala ang taff sa pag-asikaso sa VIP group. May mga kasama raw ang personalidad na panay utos at bantay sa galaw ng kitchen at service crew. May ilan pa raw na assistants na kusa nang pumasok sa kitchen area para kumuha ng utensils.
Dahil dito, kapansin-pansin umano ang pagiging taranta ng mga empleyado sa loob ng café habang sinusubukang pagsabayin ang orders ng ibang customers at ang demands ng VIP group.
Hindi na napigilan ng ilang kabisto ang maglabas ng sama ng loob. Para sa kanila, malinaw ang eksena. May special treatment na ibinigay, habang ang ibang customers ay napag-iwanan.
Clue para sa mga gustong manghula. Ang tinutukoy na personalidad ay isang kilalang babaeng pulitiko na matagal nang dominanteng pangalan sa isang lungsod sa South. Madalas din siyang makita sa mga negosyo na konektado sa kanilang pamilya.
Yun na. Bistado!


