Naglabas ng babala ang US Embassy sa Pilipinas para sa US citizens kaugnay ng nagaganap na nationwide transportation strike ngayong March 26 at 27.
Ayon sa US Embassy, asahang magdudulot ang welga ng “significant traffic disruptions” at maaaring makaapekto sa galaw ng publiko, kabilang ang pagpasok sa trabaho, eskwela, at iba pang lakad. Pinayuhan ng embahada ang mga Amerikano na nasa Pilipinas na magplano ng biyahe nang maaga at asahan ang posibleng kakulangan ng pampublikong sasakyan.
Hinimok din ng US Embassy ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang mga lugar kung saan may mga demonstrasyon at manatiling alerto sa kanilang paligid.
Dagdag pa ng US Embassy, mahalaga ang pag-iingat lalo na sa mga sitwasyong may malalaking kilos-protesta dahil mabilis magbago ang sitwasyon sa kalsada. /Bistado


