Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

UP, champion sa UAAP men’s football

Balik-champeon ang UP matapos patumbahin ang defending champion FEU Tamaraws, 2-1, sa matinding finals showdown ng UAAP men’s football sa Rizal Memorial Football Stadium nitong February 23.

Hindi naging madali ang laban para sa Fighting Maroons dahil kinailangan pa nilang habulin ang lamang ng FEU bago tuluyang maangkin ang kanilang ika-20 titulo sa liga.

Naunang nakapuntos ang Tamaraws sa pamamagitan ni Karl Absalon bago matapos ang first half, dahilan para hawakan ng Morayta squad ang momentum sa malaking bahagi ng laro. 

Matibay ang depensa ng FEU at tila mauuwi na sa panalo ang laban hanggang sa dumating ang dramatikong sandali sa added stoppage time. 

Nakakuha ng penalty ang UP matapos ang isang foul, at walangpag-aalinlangang ipinasok ni team captain Charles Lobitaña ang equalizer na nagpaingay sa crowd at bumuhay sa pag-asa ng Maroons.

Pagpasok ng extra time, mas naging agresibo ang UP sa kanilang atake. Sa ika-104 minuto, tumama ang eksaktong timing ng Fighting Maroons nang i-convert ni Ramil Bation ang isang cross mula sa kaliwang bahagi ng field para sa game-winning goal. Tuluyang napuno ng sigawan at emosyon ang stadium nang tapusin ng UP ang kanilang redemption run laban sa FEU, ang parehong koponang tumalo sa kanila noong Season 87 semifinals.

Kinilala sina Charles Lobitaña at Flor Tacardon bilang Most Valuable Players ng UAAP Season 88.

Para sa Fighting Maroons, hindi lang ito panalo kundi pagbawi ng kumpiyansa at pagpapatunay na kabilang sila sa elite ng collegiate football. Nakatakdang magkaroon ng isang “bonfire” celebration sa UP Diliman ngayong February 25 para sa champions. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles