Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Transport strike, ikinasa sa gitna ng sumisirit na presyo ng langis

Maglulunsad ng transport strike ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) simula March 19, Huwebes, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Inaasahang magiging nationwide ang tigil-pasada na lalahukan ng mga jeepney driver at operator bilang protesta sa tumataas na gastos sa operasyon.

Ipinaliwanag ni PISTON National President Mody Floranda na nagdudulot ng mabigat na pasanin sa mga tsuper ang patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel. Iginiit niya na malaki na ang nagagastos ng mga driver sa araw-araw na pasada dahil sa mahal na krudo.

Kasabay ng welga, isinusulong din ng grupo ang panukalang dagdag pasahe na P5 para sa jeepneys para makasabay sa tumataas na gastusin sa operasyon.

Binigyang-diin din ni Floranda ang kalagayan ng mga tsuper sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel.

“Ngayong linggo ay papalo na ng P120/L ang diesel. Gagastos ng P3,600 kada araw ang jeepney driver dahil dito. P90,000 kada buwan,” ani Floranda.

Inaasahan na maaapektuhan ang ilang ruta sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa sa unang araw ng tigil-pasada. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles