Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

TALON SA BAGONG BUHAY – Kabanata 26

Kabanata 26: Unang sasakyan

Dali-daling lumabas si Jiro ng kwarto.

Hindi na siya nag-ayos ng husto.

Hindi na rin siya nagpatagal.

Diretso siya sa hagdan.

Pababa.

Mabilis ang hakbang.

Halos tumatakbo.

Paglabas niya sa main door, sinalubong siya ng hangin sa umaga.

Maliwanag.

Tahimik pa rin ang paligid ng La Vista.

Pero sa garahe—

Napahinto siya.

Hindi pa man siya nagsasalita, bumungad agad sa kanya ang isang kotse.

Pula.

Makintab.

Parang bagong labas sa showroom.

Hindi niya kilala ang brand.

Pero halatang hindi ito ordinaryo.

“Ano ‘to…” mahina niyang sabi.

Napatingin siya sa harap.

Audi.

Hindi pamilyar ang pangalan, pero ramdam niya ang bigat nito.

Mababa ang tindig ng sasakyan.

Malinis ang linya ng katawan.

Parang dumadaloy ang disenyo mula harap hanggang likod.

Ang headlights, matalim ang hugis.

Parang nakatingin.

Parang may sariling karakter.

Ang grille sa harap, malapad.

May chrome accents.

At ang pulang pintura—

Hindi lang basta pula.

Malalim.

Makintab.

Parang buhay.

“Ok ba, nak?” sabi ni Claire mula sa likod.

Napalingon si Jiro.

“Iyo na ‘yan.”

“That’s your first car.”

Parang natigilan si Jiro.

“Ha?”

“Ma…”

Napatingin siya ulit sa kotse.

“Ang ganda…”

“Parang mahal.”

Ngumiti si Claire.

“Deserve mo ‘yan, anak.”

Hindi pa rin makapaniwala si Jiro.

Lumapit siya sa kotse.

Hinaplos ang gilid.

Makinis.

Parang hindi niya gustong madumihan.

“Ma…”

“Salamat po…”

Napahinto siya.

May naalala.

“Kaso…”

Napakamot siya sa ulo.

“Hindi po ako marunong mag-drive.”

“At wala po akong lisensya.”

“Walang kaso, insan!”

Napalingon siya.

Si Christian.

Bigla na lang sumulpot sa kabilang side ng garahe.

Ngumiti.

May dalang kumpiyansa.

“Ako magtuturo sa’yo.”

“Di kita tatantanan hanggang magkalisensya ka.”

Napangiti si Jiro.

“Talaga?”

Tumango si Christian.

“Una, ikot-ikot muna tayo dito sa La Vista.”

“Safe.”

“Walang masyadong sasakyan.”

“Tapos siguro sa UP.”

“Pag ok ka na…”

Ngumiti siya.

“…harurot natin sa mga highway.”

Napatawa si Jiro.

“Grabe ka naman.”

“Pero game.”

“Pero sa ngayon,” dagdag ni Christian.

“Check out mo muna bago mong oto.”

Lumapit si Claire.

May hawak na susi.

Inabot niya kay Jiro.

“Subukan mo.”

Tinanggap ni Jiro.

Maliit lang ang susi.

Pero parang mabigat sa pakiramdam.

Pinindot niya.

Click.

Biglang nag-flash ang ilaw ng kotse.

At dahan-dahang nag-unlock ang pinto.

Napaatras siya nang kaunti.

“Uy…”

Napangiti siya.

“Automatic.”

Lumapit siya.

Binuksan ang pinto.

Pagpasok niya—

Napahinto ulit siya.

Ibang mundo na naman.

Malinis ang loob.

May leather seats.

Makinis.

May konting kinang.

Parang bagong-bago.

Ang dashboard, simple pero moderno.

May digital display.

Malinaw ang screen.

Parang tablet na naka-integrate.

May ambient lighting sa gilid.

Banayad ang ilaw.

Hindi masakit sa mata.

Ang manibela, makapal ang kapit.

May mga control buttons.

Parang cockpit.

Napahawak si Jiro.

“Grabe…”

Umupo siya sa driver’s seat.

Saktong-sakto ang posisyon.

Parang niyakap siya ng upuan.

“Ang sarap umupo…”

Napatingin siya sa harap.

Malinaw ang windshield.

Malawak ang view.

“Ma…”

Mahina niyang sabi.

“Parang ayoko na bumaba.”

Napatawa si Claire.

“Bumaba ka muna.”

“Tuturuan ka pa.”

Sumilip si Christian sa kabilang pinto.

“O tara,” sabi niya.

“Unang test drive.”

“Ako na muna driver.”

Ngumiti siya.

“Para makita mo muna.”

Napatingin si Jiro sa kanya.

Tumango.

May halong kaba.

May halong excitement.

“Game.”

At para kay Jiro, parang dito talaga nagsisimula ang bagong yugto ng buhay niya. /Itutuloy sa susunod na kabanata

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles