Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

TALON SA BAGONG BUHAY – Kabanata 22

Kabanata 22: Ang usapan

Isang oras na.

Hindi pa rin nagsasawa si Jiro.

Paulit-ulit niyang tinitingnan ang bawat sulok ng kwarto.

Binubuksan ang drawer.

Sinusubukan umupo sa sofa.

Humihiga sa kama, tatayo ulit, hihiga ulit.

Parang sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili na totoo ang lahat.

Minsan, napapatingin siya sa kisame.

Minsan, sa TV.

Minsan, sa sariling kamay.

“Dito na talaga…” bulong niya ulit.

Biglang—

Tok. Tok.

Napalingon siya sa pinto.

Saglit siyang napatigil bago sumagot.

“Pasok po.”

Dahan-dahang bumukas ang pinto.

Si Esther.

Nakatayo lang siya sa may bungad.

Parang nag-aalangan kung papasok.

“Ma,” sabi ni Jiro.

“Pasok ka.”

Ngumiti si Esther.

Mahina.

Pumasok siya at isinara ang pinto.

Saglit siyang tumingin sa paligid.

Hindi niya maitago ang pagkamangha.

“Ang laki,” bulong niya.

Napangiti si Jiro.

“Mas malaki pa sa buong bahay natin.”

Tahimik silang dalawa.

May ilang segundong walang nagsalita.

Lumapit si Esther.

Umupo sa gilid ng kama.

“Halika dito,” sabi niya.

Lumapit si Jiro.

Umupo sa tabi niya.

Magkalapit.

Tahimik.

“Anak…” unang nagsalita si Esther.

“Okay ka lang ba talaga?”

Napahinga nang malalim si Jiro.

“Hindi ko alam, Ma.”

“Totoo lang.”

Napangiti si Esther nang bahagya.

“Pareho tayo.”

Saglit silang natawa.

Mahina lang.

“Akala ko…” sabi ni Esther.

“Pag dumating tong araw na ‘to, iiyak ako nang sobra.”

“Pero parang…”

Napailing siya.

“Parang hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.”

Napatingin si Jiro sa kanya.

“Galit ka ba?”

Diretsong tanong.

Napatingin si Esther sa kanya.

Matagal.

Pagkatapos ay umiling.

“Hindi.”

“Bakit ako magagalit?”

Napangiti siya nang konti.

“Kung tutuusin, dapat nga magpasalamat ako.”

Napakunot ang noo ni Jiro.

“Bakit?”

“Dahil binigyan ka niya ng buhay na hindi ko kayang ibigay.”

Napayuko si Jiro.

“Ma…”

Mahina ang boses niya.

“Hindi ka kulang.”

Napatingin si Esther sa kanya.

“Hindi ka nagkulang kahit kailan.”

Unti-unting napuno ng luha ang mata ni Esther.

“Kung anong meron ako…”

“Yun ang binigay ko.”

“Pero ikaw—”

Napailing siya.

“Hindi ka nagreklamo.”

“Hindi ka nagtanong kung bakit ganito lang tayo.”

Tahimik si Jiro.

“Ma,” sabi niya.

“Hindi ko kailangan magtanong.”

“Masaya ako sa’yo.”

“Sa atin.”

Saglit na natahimik ang dalawa.

“Pero ngayon…” dagdag ni Jiro.

“Hindi ko alam kung paano hahatiin sarili ko.”

Napatingin siya sa kamay niya.

“Parang may dalawa na akong buhay.”

“Dalawang nanay.”

Napangiti si Esther.

May halong lungkot.

May halong saya.

“Hindi mo kailangan pumili,” sabi niya.

Napatingin si Jiro.

“Ha?”

“Hindi ka kailangang mamili kung sino ang nanay mo.”

“Dahil pareho kaming nanay mo.”

Unti-unting tumulo ang luha ni Jiro.

Hindi niya napansin kung kailan nagsimula.

“Ma…”

Mahina ang boses niya.

“Paano kung magbago ako?”

“Paano kung… masanay ako dito?”

“Sa ganitong buhay?”

Tinitigan siya ni Esther.

Matagal.

Pagkatapos ay hinawakan ang mukha niya.

“Anak,” sabi niya.

“Hindi ka babaguhin ng lugar.”

“Ikaw ang magdadala ng sarili mo kahit saan ka mapunta.”

“Kung anong klaseng tao ka ngayon—”

“Dahil yun sa puso mo.”

“Hindi sa bahay.”

Napapikit si Jiro.

Mas lalong tumulo ang luha niya.

“Natatakot lang ako,” sabi niya.

“Na baka makalimutan kita.”

Agad na umiling si Esther.

“Hindi mo ako makakalimutan.”

Ngumiti siya.

“Dahil parte ako ng buhay mo.”

“Gaya niya.”

“Gaya ninyong dalawa.”

Hindi na napigilan ni Jiro.

Yumakap siya kay Esther.

Mahigpit.

“Ma…”

Yumakap din si Esther.

Mahigpit.

Parang ayaw niyang bitawan.

“Kahit saan ka mapunta,” bulong niya.

“Anak pa rin kita.”

Tahimik ang kwarto.

Tanging paghinga lang nila ang maririnig.

At ang mahihinang hikbi.

Pagkaraan ng ilang sandali, humiwalay sila.

Pinunasan ni Esther ang luha ni Jiro.

“Ang pogi mo pa rin kahit umiiyak ka,” biro niya.

Napatawa si Jiro.

“Ma naman eh.”

“Tototoo naman.”

Saglit silang natahimik ulit.

Mas magaan na.

Mas malinaw na.

Biglang—

Tok. Tok.

Napatingin sila sa pinto.

“Jiro? Esther?”

Boses ni Claire.

“Dinner is ready!” /Itutuloy sa susunod na kabanata

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles