Kung totoo ang nakalap na tsika ng BISTADO, malamang na natuloy na ang sinasabing bakasyon sa karatig bansa sa South East Asia ang dalawang personalidad na nasa mundo ng pulitika at showbiz, kasama diumano ang dalawa ding aktor-model.
Ayon sa kuwento, naging malapit na magkakaibigan at ginawa pa umanong kasosyo sa negosyo ng dalawang male (read: lalaki) showbiz-politician ang mga aktor-model na madalas din nilang kinukuha noon sa mga projects nila.
“Sa mga fiesta at basketball tournament lang sila nag-start. Sa dalas ng imbitasyon ng dalawang personalidad, nabuo ang bonding nila sa mga aktor-models. Hindi naman ganun ka-sikat sa showbiz ang mga aktor though marami na silang nagawang projects.” lahad ng source ng Bistado.
Dati pa daw pinagdududahan ang relasyon ng dalawang personalidad na nasa showbiz at politics dahil ang isa nga sa kanila ay natsi-tsismis na umano’y ‘bading.” Halos magka-edad lang ang mga ito, kapwa mga artista-looking sa tikas nila, pero hindi sila magka-lugar kaya’t noong umpisa daw ay walang ‘malisya’ ang mga constituents nila sa kung anong meron sila.
Si politician A ay madalas na sumusosyo sa mga film at TV projects pati na rin sa mga concert scenes. Si politician B ay mas naging lantad dahil nagkaroon siya ng involvement sa mga sikat na aktres sa showbiz, bilang kanyang naging mga girlfriends. Kontrobersyal din ang mga nasabing relasyon nito dahil nag-aaway-away nga ang mga sikat na aktres ng dahil sa kanya.
Ang siste, tila may bagong twist sa tsismis dahil simula daw ng maging malapit nilang kaibigan at katropa ang dalawang aktor-model ay may kung anong “ganap” daw na kaduda-duda sa mga galawang showbiz-politics.
“Mukhang more than being friends sila with the actor-models. Lagi silang magkakasamang apat sa mga out of town pati abroad at may balita pang binigyan na daw ng properties sa respective places nila ang mga ito,” habol pang intriga ng same source.
At para daw maiwasan ang mga tsismis o iba pang iskandalo, balitang sa karatig lugar sa isang Southeast Asian country mag-spend ng Holy week ang mga ito.
Kung doon daw umano sila magmuni-muni ay silang apat lang ang nakakaalam.Mahiwaga, may ibang drama at mga eksena daw na sure na mapag-uusapan ang showbiz at politics sa mga respective places nila once na makabalik ang mga ito sa bakasyon.
Ang dalawang aktor model ay kapwa may TV show na napapanood sa magkaibang network. Aktibo din silang mga member ng isang basketball team ng mga male actors na umiikot sa mga tournaments, pero hindi na bilang mga payers kundi mga managers sa tulong daw ng dalawang showbiz-politics related personalities. Bahagi daw kasi ng naturang sport event ang pagpapalakas nila sa mga tao at galawang pulitika nila.
Si politician A ay balitang hiwalay sa asawa at may anak habang si politician B ay binata pa rin hanggang sa ngayon. Isa mga actor-model ay hiwalay din sa asawa pero walang anak, habang yung isang aktor-model ay isang binatang ama.
Iyan na muna, hahahaha!


