Kung totoo ang mga bali-balitang gagawa ng teleserye si megastar Sharon Cuneta sa GMA 7, tiyak na magbubunyi ang kanyang mga followers.
Sa GMA Supershow pa ng yumaong si Kuya Germs (German Moreno) huling napanood si mega sa network ng Kapuso noong 80’s bago siya nagkaroon ng The Sharon Cuneta Show sa ABS-CBN 2 na tumagal din ng kung ilang taon.
Ayon sa mga balita, mayroong tinanguan na isang teleserye project si Shawie na sa GMA 7 daw e-ere. Isang family drama daw ito na gustong-gusto ni mega dahi hindi pa niya nagagawa ang ganung kuwento sa buong career niya sa industriya, mapa-TV o movies man.
Nang tanungin nga kay mega sa isang event kamakailan kung may katotohanan ang mga naglabasang tsika tungkol dito, isang matamis na ngiti at salitang , “abangan” daw ang nasabi nito.
Meanwhile, kahit si Atty. Annette Gozon na isang mataas na executive sa Kapuso network ay tila may pagkumpirmang nasabi tungkol dito. Aniya, “mayroon akong naririnig at nakarating sa akin ang balita. That is a very exciting news. Wala pa lang details.”
Makakasama nga daw ni Shawie ang isang in-demand actress na paborito sa GMA 7 at ilan pang mga batang artista na sumisikat ngayon sa network.
Masarap itong abangan kung magaganap ito within the year o kung kailan man.


