Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

SB19, ‘Wakas at Simula’ 2nd album handa na!

Ngayong darating na March 27, Biyernes iririlis na ng P-Pop Kings SB19 ang  much-anticipated sophomore album nilang Wakas at Simula.

Inilalarawan bilang isang milestone project, ang bagong album ay naglalaman ng mga bagong awitin sa naging growth ng pinakatanyag ngayong boy band sa bansa na naka-capture na din ng huge following globally.

Last 2025 ay tunay na nagmarka sa buong mundo na may pinoy audience ang SB19.  Ang nakakagulat pa diyan, kahit ang mga citizen mula sa ibang lahi ay in-admire ang grupo na may solid following na tinatawag na Mahalima at A’tin.

Dahil diyan, nagkaroon sila ng mga collaboration sa mga kilalang music artists  at naging tulay sa mga usaping kultura, custom at values ng ibang lahi.

This time sa kanilang second album ay naka-collaborate naman nila ang gaya ng Queen of C-Pop Jolin at Japanese boy band BE:FIRST.

“It’s a milestone na pwede naming balikan yung mga narating namin. At the same time, it’s a celebration for the next chapter of SB19. Tina-target po talaga namin yung going global para ipakita kung ano ‘yung kayang gawin ng mga Filipinos…Itong album na ito, it’s a celebration for everything that we have achieved together,” bahagi ng paliwanag ng lider ng grupong si Pablo tungkol sa naturang album.

Ang ‘Wakas at Simula’ ang siya ngayo’y nag-uugnay sa trilogy EP ng SB19, mula sa ‘Pagsibol’, ‘Pagtatag’, at  ‘Simula at Wakas’, na may bagong anim na tracks. Dalawa nga dito ang “Emoji,” featuring Jolin, at ang  dance-pop track “Toyfriend” with BE:FIRST, na naglalayon ngang ma-bridge ang kulturang pinoy at Hapon through music.

Ang naturang album ay nakatakdang magkaroon ng concert sa April 18 sa SMDC Festival Grounds, na magsisilbi ding finale ng kanilang Simula at Wakas tour.

Although wala pang naka-line up na world tour ang grupo gaya ng nakaraang taon na nalibot nila ang lahat ng major areas sa USA, CANADA, Middle EAst, Europe at mga bansa sa Asia, nakatakdang bumalik at mag-perform pa rin ang SB19 across North America, Europe, at sa Middle East later this year.

Magaganap din ang isa pang milestone para sa grupo dahil nakartakda silang mag-perform sa major international music festival na Lollapalooza, sa Chicago, USA, from July 30 to August 2 at Grant Park in Chicago.  

Sa Instagram post ng Lollapalooza ay naibahagi nito ang full artist lineup para sa kanilang 2026 edition, featuring a diverse mix of global acts. Ilan nag sa mga binanggit ay sina Olivia Dean, Charli XCX, Tate McRae, Jennie of BLACKPINK, Lorde, The Smashing Pumpkins, The xx, at ang SB19.

At hindi magtatapos diyan ang mga bonggang eksena ng SB19 dahil agad naman iyang susundan ng isa pang major milestone. Ngayong August ay naimbitahan din silang mag-perform sa SUMMER SONIC 2026, isa sa pinaka-inaabangan at kilalang music festival sa Japan.

Walang duda, walang anumang kuwestyun, ang SB19 nga sa ngayon ang pinaka-kilalang P-Pop group sa Pilipinas man o neighboring countries gaya ng Taiwan, Japan, Hongkong, South Korea, Singapore, Thailand at Indonesia kung saan maraming mga self-declared na ka-Mahalima o ka-A’tin na hindi mga pinoy ang members/supporters.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles