Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Saktong sakto: Pasig, may 5 bagong electric minibus

“Sakto sa pagtaas ng presyo ng langis, dumating po ang ating limang bagong electric minibus.”

Ito ang inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang Facebook page kaugnay ng pagdating ng limang bagong sasakyan na gagamitin para sa public transport sa lungsod.

Ayon kay Sotto, nabili ang bawat unit sa halagang ₱3,989,600. Ang mga electric minibus ay ilalaan sa Pasig Transport at gagamitin para sa Libreng Sakay program ng lungsod.

Hindi agad ilalatag sa permanenteng ruta ang mga bagong sasakyan, paliwanag ng alcalde. Sa halip, isasailalim muna ang mga ito sa pilot testing sa mga underserved at potential public utility vehicle routes sa Pasig.

Layunin ng pilot test na tukuyin kung may sapat na demand at kung magiging epektibo ang mga ruta para sa mas maayos na daloy ng pampublikong transportasyon.

Ayon sa pahayag ng alkalde, bahagi ito ng mas malawak na plano ng lungsod para sa pag-aayos ng transport system. Kabilang dito ang finalization ng Local Public Transport Route Plan at Traffic Management Plan ng Pasig, na isinasagawa kasama ang mga kaukulang ahensya ng national government.

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis, inaasahan na makakatulong ang paggamit ng electric vehicles para mabawasan ang gastos sa operasyon at mapanatili ang libreng sakay para sa mga residente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles