Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ron Angeles, “let it die a natural death”

Iyan ang tila nais ipabatid ng mga taong nasa paligid ngayon ng hunk model actor na si Ron Angeles, kaugnay pa rin ng kinasangkutan nitong “sex scandal.”

Nakausap ng BISTADO ang ilang malalapit na kaanak ng actor-model na nagsasabing baka hindi na kailangan pang maglabas ng kanyang official statement ang aktor.  

Tila sapat na daw yung “relax lang kayo,” post nito sa socmed niya after sumabog ng iskandalo. Hirit pa nila, “sanay na din naman iyan sa mga mas matitindi pang kontrobersya. Baka mas lalo pang lumaki ang isyu. Hayaan na lang siguro na mamatay (ang) isyu.”

Sa big four na sinasabing mayroong ‘sex scandal,’ una ng nagbigay ng official na pahayag si Gil Cuerva, na sinundan naman ng madamdaming interview ni Nikko Natividad sa kilalang online vlogger at manager na si Ogie Diaz.

Ang latest ngang nagbigay ng kanyang official statement ay si Tarlac Board Member Arron Villaflor na noong una ay tila may pag-balewala lang sa iskandalo at sinabing malamang ay gaya ito ng mga naglabasang “videos” niya noong kasagsagan ng kanyang kandidatura sa Tarlac. Na umano’y posibleng mga kuha lang sa ilang VMX (dating Vivamax) movies na ginawa niya.

But this time, opisyal na opisyal na nga ang kanyang statement dahil gaya ni Gil ay may pahayag din itong wala siyang knowledge at lalong walang permiso sa kumakalat at pinag-uusapang sex scandal niya. Na may dapat managot sa batas sa pangyayari.

Mas malinaw na ang mga kopyang umiikot ngayon online at mga porn sites hinggil sa sex video ng apat na aktor. Sa katunayan, may dalawa pang male celebrities na sinasabing nakaniig din ng same girl na pinaghihinalaang may pakana ng lahat dahil ibinebenta nga daw umano ang mga videos na ito maging sa ibang bansa. 

Ang dating Mr. World Philippines 2015 na si Sam Adjani at ang VMX star na isa ding model-host na si Nico Locco ang latest stars ng kaugnay na sex video. Umamin na si Nico na siya nga ang nasa video, habang walang reaksyon si Sam.

Ang huling nabalitaan ng Bistado ay may mga iba pa daw male celebrities na posibleng may sex video din na lalabas soon? /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles